Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 126

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(A)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
(B)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (C)dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
(D)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Habacuc 3:2-6

Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot:
Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon;
Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid;
Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema,
At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah)
Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit.
At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
At ang kaniyang ningning ay parang liwanag;
Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay;
At (A)doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot,
At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa;
Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa;
(B)At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
(C)Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod;
Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.

Filipos 3:12-16

12 Hindi sa ako'y (A)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.

13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (B)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (C)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,

14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (D)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.

15 Kaya nga, kung ilan tayong (E)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:

16 (F)Lamang, ay magsilakad tayo (G)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978