Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
8 (A)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (B)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (C)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (D)sa kaululan.
9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(E)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (F)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(G)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (H)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (I)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
4 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
5 Bago (A)kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta (B)sa mga bansa.
6 Nang magkagayo'y sinabi ko, (C)Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.
7 Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay (D)sasalitain mo.
8 Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
9 (E)Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at (F)hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
10 Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.
19 (A)Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa (B)Fenicia, at sa (C)Chipre, at sa (D)Antioquia, na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang.
20 Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at (E)taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga (F)Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus.
21 At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya (G)ay nangagbalik-loob sa Panginoon.
22 At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si (H)Bernabe hanggang sa Antioquia:
23 Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; (I)at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:
24 Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.
25 At siya'y naparoon sa (J)Tarso upang hanapin si Saulo;
26 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa (K)Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga (L)Cristiano, sa Antioquia.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978