Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
5 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
6 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na (A)pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
7 (B)Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, (C)doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, (D)Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: (E)at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
9 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.
10 (F)Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; (G)at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga (H)bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.
11 At aking gagawing daan ang (I)lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangan ay patataasin.
12 Narito, (J)ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay (K)mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim.
13 Ikaw ay umawit, Oh langit; (L)at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
14 Nguni't sinabi ng Sion, (M)Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.
15 Malilimutan ba ng babae (N)ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, (O)nguni't hindi kita kalilimutan.
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, (A)narito, ang kaniyang ina at ang (B)kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka.
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid?
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50 Sapagka't (C)sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978