Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 126

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(A)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
(B)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (C)dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
(D)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Habacuc 3:13-19

13 Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan,
Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis;
(A)Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama,
(B)Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
14 Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma:
Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako;
Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo.
Sa bunton ng makapangyarihang tubig.

Ang propeta ay nagtitiwala sa Panginoon.

16 Aking narinig, at ang aking katawan ay (C)nanginginig,
Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig;
kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako;
Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan,
Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
17 Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak,
Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas;
Ang bunga ng olibo ay maglilikat.
At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain;
Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan,
At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
18 Gayon ma'y magagalak (D)ako sa Panginoon,
Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
19 Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas;
At ginagawa niya ang aking mga paa na (E)gaya ng sa mga usa.
At ako'y palalakarin niya (F)sa aking mga mataas na dako.
Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.

Mateo 21:28-32

28 Datapuwa't ano sa akala ninyo? Isang taong may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan.

29 At sinagot niya at sinabi, Ayaw ko: datapuwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon.

30 At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayon din ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon: at hindi naparoon.

31 Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama? Sinabi nila, Ang una. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang mga (A)maniningil ng buwis at ang mga (B)patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios.

32 Sapagka't naparito si Juan sa inyo (C)sa daan ng katuwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapuwa't pinaniwalaan siya ng mga (D)maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978