Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang pagkakataas ng mga nagbabata.
61 Ang (A)Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; (B)sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang (C)ipangaral ang mabubuting balita sa mga (D)maamo; kaniyang sinugo ako upang (E)magpagaling ng mga bagbag na puso, (F)upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 (G)Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at (H)ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; (I)upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;
3 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, (J)upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng (K)langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga (L)punong kahoy ng katuwiran, na (M)pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
4 (N)At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.
8 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, (A)aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
9 (B)At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.
10 Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya (C)ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, (D)gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.
11 Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.
Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa
126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(A)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 (B)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (C)dakilang bagay.
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 (D)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
46 At sinabi ni Maria,
(A)Dinadakila ng aking kaluluwa (B)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (C)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (D)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (E)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (F)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (G)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (H)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (I)ng kaniyang bisig;
(J)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (K)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (L)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(M)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (N)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
16 (A)Mangagalak kayong lagi;
17 Magsipanalangin kayong (B)walang patid;
18 Sa lahat ng mga bagay ay (C)magpasalamat kayo; sapagka't ito (D)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19 Huwag ninyong patayin (E)ang ningas ng Espiritu;
20 Huwag ninyong hamakin (F)ang mga panghuhula;
21 Subukin ninyo ang (G)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22 Layuan ninyo ang (H)bawa't anyo ng masama.
23 At pakabanalin (I)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (J)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (K)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24 (L)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
6 Naparito ang isang tao, na (A)sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.
7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.
8 Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.
19 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
20 At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.
21 At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si (A)Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga (B)ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.
22 Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?
23 Sinabi niya, (C)Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.
24 At sila'y sinugo buhat sa mga Fariseo.
25 At sa kaniya'y kanilang itinanong, at sinabi sa kaniya, Bakit nga bumabautismo ka, kung hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?
26 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, (D)Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala,
27 Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin, na sa kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.
28 Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978