Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 148

Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.

148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
(A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
(D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
(F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Kawikaan 9:1-12

Ang handaan ng karunungan.

(A)Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay,
Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:
(B)Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak;
Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.
Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae;
Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
Kung sinoma'y musmos, pumasok dito:
(C)Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay,
At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay;
At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili:
At siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
(D)Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya:
(E)Sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.
Turuan mo ang pantas, at (F)siya'y magiging lalong pantas pa:
Iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.
10 (G)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan:
At ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
11 Sapagka't (H)sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan,
At ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.
12 (I)Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili:
At kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa (J)ang magpapasan.

2 Pedro 3:8-13

Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang (A)isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.

Hindi mapagpaliban (B)ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi (C)mapagpahinuhod sa inyo, (D)na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, (E)kundi ang lahat ay magsipagsisi.

10 Datapuwa't darating (F)ang araw ng Panginoon na gaya ng (G)magnanakaw; na ang (H)sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at (I)ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at (J)ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, (K)ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo (L)sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,

12 (M)Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng (N)kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?

13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay (O)naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, (P)na tinatahanan ng katuwiran.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978