Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.
79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
2 Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
3 Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.
4 (G)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
5 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(H)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
6 (I)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
7 Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
8 (J)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
9 Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (K)dahil sa iyong pangalan.
10 (L)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (M)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (N)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (O)makapito (P)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (Q)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.
Ang paghahari ng tagapagligtas na magmumula sa Beth-lehem.
5 Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel (A)ng isang tungkod.
2 Nguni't ikaw, (B)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (C)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (D)mula nang walang hanggan.
3 Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon (E)ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.
4 At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't (F)ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.
5 At (G) ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.
34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at (A)dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
35 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.
36 (B)Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, (C)na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang (D)mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.
37 At araw-araw ay (E)nagtuturo siya sa templo; at lumalabas (F)gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo.
38 At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978