Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 83:1-4

Awit, Salmo ni Asaph.

83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.

Mga Awit 83:9-10

Gumawa ka sa kanila ng gaya (A)sa Madianita;
Gaya (B)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (C)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (D)Sila'y naging parang dumi sa lupa.

Mga Awit 83:17-18

17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (A)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (B)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Mga Hukom 4:8-24

At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon.

At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.

10 At tinawag ni Barac ang (A)Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na (B)kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya.

11 Si Heber nga na (C)Cineo ay humiwalay sa mga Cineo, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni (D)Hobab, na biyanan ni Moises, at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim, na nasa siping ng Cedes.

12 At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor.

13 At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo, na siyam na raang karong bakal, at ang buong bayan na kasama niya, mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison.

14 At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: (E)hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.

15 At nilansag ng (F)Panginoon si Sisara, at lahat ng mga karo niya, at ang buong hukbo niya, ng talim ng tabak sa harap ni Barac; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo, at tumakas na tumakbo.

16 Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi.

Pinatay ni Jael si Sisara.

17 Gayon ma'y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo; sapagka't may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo.

18 At sinalubong ni Jael si Sisara, at sinabi sa kaniya, Lumiko ka, panginoon ko, lumiko ka rito sa akin: huwag kang matakot. At siya'y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya'y tinalukbungan niya ng isang banig.

19 At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka't ako'y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya.

20 At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.

21 Nang magkagayo'y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda, at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya, at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan, at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka't siya'y nakatulog ng mahimbing; sa gayo'y nanglupaypay siya at namatay.

22 At, narito, sa paraang (G)hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo.

23 Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel.

24 At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan, hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan.

Roma 2:1-11

Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: (A)sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.

At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.

At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?

O hinahamak mo ang (B)mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at (C)pagtitiis (D)at pagpapahinuhod, (E)na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?

Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay (F)nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;

(G)Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa:

Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay (H)ang buhay na walang hanggan:

Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga (I)hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,

Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, (J)ng Judio (K)una-una, at gayon din ng Griego;

10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:

11 Sapagka't ang Dios (L)ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978