Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 123

Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

123 Sa iyo'y (A)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (B)na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (C)kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(D)Ng duwahagi ng mga (E)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.

Mga Hukom 2:6-15

Ang kamatayan ni Josue.

Nang mapayaon nga ni (A)Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa.

At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.

At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang.

(B)At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas.

10 At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, (C)na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel.

Naglingkod kay Baal ang bayan.

11 At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal:

12 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa (D)ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.

13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at (E)naglingkod kay Baal at kay Astaroth.

14 (F)At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang (G)ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang (H)ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.

15 Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at (I)gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam.

Apocalipsis 16:1-7

16 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi (A)sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok (B)ng kagalitan ng Dios sa lupa.

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok (C)sa lupa; at (D)naging sugat na masama at mabigat sa mga taong (E)may tanda ng hayop na yaon, at (F)nangagsisamba sa kaniyang larawan.

At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok (G)sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; (H)at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok (I)sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; (J)at nangaging dugo.

At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, (K)Matuwid ka, (L)na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

Sapagka't ibinuhos nila ang dugo (M)ng mga banal at ng mga propeta, (N)at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

(O)At narinig ko ang (P)dambana na nagsasabi, Oo, Oh (Q)Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978