Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
123 Sa iyo'y (A)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (B)na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (C)kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(D)Ng duwahagi ng mga (E)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.
Ang awit ni Debora.
5 Nang magkagayo'y (A)umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,
2 (B)Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel,
(C)Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa,
Purihin ninyo ang Panginoon.
3 (D)Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe;
Ako, ako'y aawit sa Panginoon,
Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
4 (E)Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir,
Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom,
(F)Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak,
Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
5 (G)Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon,
Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
6 Sa mga kaarawan ni (H)Samgar na anak ni Anat,
Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat,
At ang mga manglalakbay ay (I)bumagtas sa mga lihis na landas.
7 Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat,
Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon,
Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
8 (J)Sila'y nagsipili ng mga bagong dios;
Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan:
(K)May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
9 Ang aking (L)puso ay nasa mga gobernador sa Israel,
Na nagsihandog na kusa sa bayan;
Purihin ninyo ang Panginoon!
10 (M)Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno,
Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag,
At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig,
Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon,
Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel.
Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 (N)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (O)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
43 Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y (A)lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.
44 Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan.
45 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: (B)at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978