Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 28

Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.

28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
(H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

Mga Bilang 27:15-23

Si Josue ang humalili kay Moises.

15 At sinalita ni Moises sa Panginoon, na sinasabi,

16 Maghalal ang Panginoon, ang (A)Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, ng isang lalake sa kapisanan,

17 (B)Na makalalabas sa harap nila, at makapapasok sa harap nila, at makapaglalabas sa kanila, at makapagpapasok sa kanila; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging (C)parang mga tupa na walang pastor.

18 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na (D)kinakasihan ng Espiritu, at (E)ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;

19 At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at (F)pagbilinan mo siya sa kanilang paningin.

20 At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang (G)sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel.

21 At siya'y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote, na siyang (H)maguusisa tungkol sa kaniya, ng hatol ng (I)Urim sa harap ng Panginoon: sa kaniyang salita, ay lalabas sila, at sa kaniyang salita, ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan.

22 At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya: at kaniyang ipinagsama si Josue, at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan:

23 At kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya, at pinagbilinan niya siya, gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

2 Timoteo 2:8-13

Alalahanin mo si Jesucristo na (A)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:

Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (B)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (C)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.

10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (D)dahil sa (E)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.

11 (F)Tapat ang pasabi: (G)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:

12 (H)Kung tayo'y mangagtiis, ay (I)mangaghahari naman tayong kasama niya: (J)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:

13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (K)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (L)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978