Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Version
1 Cronica 4-6

Ang Lipi ni Juda

Kabilang ang mga ito sa mga anak ni Juda: sina Peres, Hezron, Carmi, Hur at Sobal. Anak ni Sobal si Reaias na ama ni Jahat. Anak naman ni Jahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang angkan ng mga Zorita.

3-4 Si Hur ang panganay ni Efrata na asawa ni Caleb at ang kanyang mga apo ang nagtatag ng lunsod ng Bethlehem. Tatlo ang anak na lalaki ni Hur: sina Etam, Penuel, at Ezer. Ang mga anak na lalaki[a] naman ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Hazzelelponi ang pangalan ng kapatid nilang babae. Si Penuel ang nagtatag ng lunsod ng Gedor, at si Ezer naman ang nagtatag ng Husa.

Si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. Naging anak ni Asur kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari. Naging anak naman niya kay Hela sina Zeret, Izar at Etnan. Si Coz ang ama ni Anub at Zobeba, at ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.

Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes[b] ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.” 10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.

Iba pang Listahan ng mga Angkan

11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston. 12 Si Eston ang ama nina Beth-rafa, Pasea at Tehina na siyang nagtatag ng lunsod ng Nahas. Ang mga apo nila ang nanirahan sa Reca.

13 Mga anak ni Kenaz sina Otniel at Seraias, at mga anak naman ni Otniel sina Hatat at Meonotai. 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra, at si Seraias naman ang ama ni Joab na nagtatag ng Libis ng mga Panday, sapagkat ang mga nakatira roon ay mga panday. 15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak naman ni Ela ay si Kenaz. 16 Mga anak naman ni Jehalelel sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.

17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Ang mga anak ni Mered kay Bitia na anak ng Faraon ay sina Miriam, Samai at Isba na siyang nagtatag ng Estemoa. 18 Sa asawa naman niyang taga-Juda, naging anak ni Mered si Jered na nagtatag ng Gedor, si Heber na nagtatag ng Soco at si Jecutiel na nagtatag ng Zanoa. 19 Ang pinagmulan ng mga Garmita na nanirahan sa Keila at ng mga Maacateo na nanirahan sa Estemoa ay ang mga anak ni Hodias sa asawa na kapatid na babae ni Naham. 20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Mga anak naman ni Isi sina Zohet at Ben-zohet.

Ang Angkan ni Sela

21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda ay sina Er na nagtatag ng Leca, si Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang humahabi ng telang lino sa Beth-asbea. 22 Siya rin ang ama ni Joquim, at ng mga taga-Cozeba, gayundin nina Joas at Saraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik at nanirahan sa Bethlehem. (Napakatagal na ang mga pangyayaring ito.) 23 Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.

Ang Lipi ni Simeon

24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul. 25 Anak ni Saul si Sallum, at apo niya si Mibsan. Anak naman ni Mibsan si Misma. 26 Mga anak ni Misma sina Hamuel, Zacur at Simei. 27 Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit kaunti lamang ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.

28 Ito(A) ang mga lunsod na tinirhan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Bethuel, Horma, Ziklag, 31 Beth-marcabot, Hazar-susim, Beth-biri, at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David. 32 Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan, 33 pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa bayan ng Baalat. Ito ang talaan na kanilang iniingatan tungkol sa kanilang mga angkan at mga lugar na kanilang tinirhan. Habang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.

34-38 Ito ang mga naging pinuno ng kanilang mga angkan: Mesobab, Jamlec at Josa na anak ni Amazias; sina Joel at Jehu na mga anak ni Josibias na anak ni Seraias na anak naman ni Asiel; sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, at Benaias. Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak naman ni Semaias.

Patuloy sa paglaki ang kanilang mga angkan, 39 kaya't kumalat sila sa dakong silangan, at sa paghahanap ng pastulan ay umabot sila hanggang sa kapatagan ng Gedor. 40 Nakatagpo sila ng magandang pastulan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa lugar na iyon. 41 Ang nabanggit na angkang ito ni Simeon ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Ezequias sa Juda. Winasak nila ang lugar na iyon, nilipol ang mga Meunim na naroon at sila ang tumira, sapagkat maganda ang pastulan doon. 42 Sa mga sumalakay na ito, limandaan pang tauhan ni Simeon ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, mga anak ni Isi. 43 Nilipol nila ang mga natirang Amalekita na tumakas patungo roon. Hanggang ngayo'y sila ang nakatira doon.

Ang Lipi ni Ruben

Ito(B) ang mga anak ni Ruben, ang panganay ni Jacob. (Kahit na siya'y panganay, inalisan siya ng karapatan ng pagkapanganay sapagkat dinungisan niya ang dangal ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa mga anak ni Jose, na anak ni Jacob. Bagama't(C) ang lipi ni Juda ang kinilalang pangunahin sa magkakapatid at isang pinuno ang nagmula sa kanya, ang karapatan ng pagkapanganay ay iginawad kay Jose.) Ang mga anak ni Ruben ay sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.

Anak ni Joel si Semaias na ama ni Gog. Anak ni Gog si Simei na ama ni Mica. Anak ni Mica si Reaias na ama ni Baal. Anak(D) ni Baal si Beera, ang pinuno ng mga Rubenita na dinalang-bihag ni Tiglat-pileser sa Asiria. Ito ang listahan ng mga sambahayan at angkang nagmula sa lipi ni Ruben: ang mga pinunong sina Jeiel, Zacarias, at Bela na anak ni Azaz at apo ni Sema mula sa angkan ni Joel. Ang angkang ito ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon. Dahil marami silang kawan sa lupain ng Gilead, tumira rin sila sa gawing silangan hanggang sa tabi ng ilang na ang dulo ay nasa Ilog Eufrates.

10 Noong panahon ni Haring Saul, sinalakay at tinalo ng mga Rubenita ang mga Hagrita, at tumira sila sa lupain ng mga ito sa silangang panig ng Gilead.

Ang Lipi ni Gad

11 Sa dakong hilaga ni Ruben nanirahan ang mga anak ni Gad, mula sa lupain ng Bashan hanggang Saleca. 12 Sa Bashan, ang pinuno ng unang angkan ay si Joel, at si Safam naman ang sa pangalawang angkan. Sina Janai at Safat ay mga pinuno rin ng iba pang angkan doon. 13 Kabilang pa rin sa lipi ni Gad sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber. Ang pitong ito 14 ay mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead at apo ni Micael na anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jahdo at apo ni Buz. 15 Ang kanilang pinuno ay si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni. 16 Nanirahan ang mga ito sa mga bayang sakop ng Bashan at Gilead hanggang sa malawak na pastulan ng Saron. 17 Ang mga talaang ito ay isinaayos nang si Jotam ay hari ng Juda, at si Jeroboam naman ang hari sa Israel.

18 Matatapang ang mga kawal ng mga lipi nina Ruben at Gad, gayundin ng kalahating lipi ni Manases. Sila'y mga sanay na mandirigma; bihasa sa paggamit ng kalasag, tabak, at pana. Binubuo sila ng 44,760 kawal. 19 Nakipagdigma sila laban sa mga Hagrita, Jetur, Nafis at Nodab. 20 Nagtitiwala sila sa Diyos at laging nananalangin sa kanya. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Dahil dito'y nalupig nila ang kanilang mga kaaway. 21 Ito ang nasamsam nilang hayop: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. May 100,000 kawal naman ang kanilang nabihag. 22 Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, sapagkat ang Diyos ang nanguna sa kanila. Patuloy silang nanirahan sa lupaing iyon hanggang sa sila'y dalhing-bihag sa ibang bansa.

Kalahati ng Lipi ni Manases

23 Ang kalahating lipi ni Manases ay napakarami. Kumalat sila sa iba't ibang lupain mula sa Bashan, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga angkan: sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga tanyag na pinuno ng kani-kanilang angkan.

25 Ngunit ang mga liping ito ay hindi nanatiling tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan ng mga bansang pinalayas ng Diyos. 26 Kaya't(E) inudyukan ng Diyos ng Israel si haring Pul ng Asiria, na tinatawag ding Tiglat-Pileser, na salakayin ang Israel. Binihag nito ang mga Rubenita, Gadita at ang kalahating lipi ni Manases. Dinala sila sa Hala, Habor, Hara at sa tabi ng Ilog Gozan.

Ang Lipi ng mga Pinakapunong Pari

Ang mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari. Ang mga anak naman ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Mga anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar. Anak naman ni Eleazar si Finehas na ama ni Abisua. Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi. Anak naman ni Uzi si Zerahias na ama ni Meraiot. Anak ni Meraiot si Amarias na ama ni Ahitob. Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Ahimaaz. Anak ni Ahimaaz si Azarias na ama ni Johanan. 10 Anak naman ni Johanan si Azarias, ang paring naglingkod sa Templong itinayo ni Solomon sa Jerusalem. 11 Anak naman ni Azarias si Amarias na ama naman ni Ahitob. 12 Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Sallum. 13 Anak ni Sallum si Hilkias na ama naman ni Azarias. 14 Anak ni Azarias si Seraya na ama ni Jehozadak. 15 Si Jehozadak ay nakasama nang ipatapon ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ni Nebucadnezar.

Iba pang Angkan ni Levi

16 Ang(F) mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari. 17 Anak ni Gersom sina Libni at Simei. 18 Mga anak ni Kohat sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel. 19 Ang kay Merari naman ay sina Mahli at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang mga magulang.

20 Anak ni Gershon si Libni na ama ni Jahat na ama ni Zima. 21 Anak ni Zima si Joah na ama naman ni Iddo, na ama ni Zara na ama ni Jeatrai.

22 Anak ni Kohat si Aminadab na ama ni Korah na ama ni Asir. 23 Anak ni Asir si Elkana na ama ni Ebiasaf na ama ni Asir. 24 Anak ni Asir si Tahat na ama ni Uriel, ama ni Uzias na ama ni Shaul.

25 Anak naman ni Elkana sina Amasai at Ahimot. 26 Anak ni Ahimot si Elkana na ama ni Zofar na ama ni Nahat. 27 Anak naman ni Nahat si Eliab na ama ni Jeroham na ama ni Elkana na ama ni Samuel.

28 Dalawa ang anak ni Samuel. Si Joel ang panganay at si Abija ang pangalawa.

29 Anak ni Merari si Mahli na ama ni Libni na ama ni Simei na ama ni Uza. 30 Anak naman ni Uza si Simea na ama ni Hagia na ama ni Asaya.

Ang mga Mang-aawit sa Templo

31 Ito ang mga lalaking pinamahala ni David sa mga awitin sa Templo ni Yahweh mula nang dalhin doon ang Kaban ng Tipan. 32 Ginampanan nila ito ayon sa mga tuntuning itinakda ang kanilang mga tungkulin sa tabernakulo ng Toldang Tipanan, hanggang sa itayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem. 33 Ito ang mga angkan na nagsipaglingkod: sa angkan ni Kohat ay kabilang ang tagapangunang si Heman na anak ni Joel na anak ni Samuel. Si Samuel ay 34 anak ni Elkana na apo ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah. Si Toah ay 35 anak ni Zuf na anak ni Elkana na anak ni Mahat na anak ni Amasai. Si Amasai ay 36 anak ni Elkana na anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias. Si Zefanias ay 37 anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah. Si Korah ay 38 anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi na anak ni Israel. 39 Nasa gawing kanan ni Heman ang ikalawang koro, ang pangkat ng kapatid niyang si Asaf na anak ni Berequias na anak ni Simea. 40 Si Simea ay anak ni Micael na anak ni Baaseias na anak ni Malquias. Si Malquias ay 41 anak ni Etni na anak ni Zera na anak ni Adaias. Si Adaias ay 42 anak ni Etan na anak ni Zima na anak ni Simei. Si Simei ay 43 anak ni Jahat na anak ni Gershon na anak ni Levi. 44 Nasa gawing kaliwa naman ni Heman ang angkan ni Merari, sa pangunguna ni Etan na anak ni Quisi na anak ni Abdi na anak ni Malluc. Si Malluc ay 45 anak ni Hashabias na anak ni Amazias na anak ni Hilkias. Si Hilkias ay 46 anak ni Amzi na anak ni Bani na anak ni Semer. Si Semer ay 47 anak ni Mahli na anak ni Musi na anak ni Merari na anak ni Levi. 48 Ang kanilang mga kapatid na Levita naman ang inatasan sa iba pang gawain sa Templo.

Ang Angkan ni Aaron

49 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang nangangasiwa sa pag-aalay sa altar ng mga handog na susunugin at sa altar ng insenso; sa gawain sa Dakong Kabanal-banalan at sa pagtubos sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos. 50 Ito ang mga sumunod pang angkan ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finehas na ama naman ni Abisua; 51 si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias; 52 si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob; 53 at si Zadok na ama ni Ahimaaz.

Ang mga Lunsod ng mga Levita

54-55 Ang mga lugar na inilaan para sa angkan ni Aaron sa angkan ni Kohat ay ang Hebron sa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. Sila ang binigyan ng unang bahagi ng lupaing itinalaga para sa mga Levita. 56 Ang mga bukirin naman ng lunsod at mga nayong sakop nito ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Ibinigay sa mga sumunod na salinlahi ni Aaron ang mga lunsod-kanlungan: ang Lunsod ng Hebron, Libna at ang mga pastulan nito; ang Jatir at Estemoa at ang mga pastulan ng mga ito; 58 ang Hilen at Debir at ang mga pastulan ng mga ito; 59 ang Asan at Beth-semes at ang mga pastulan ng mga ito. 60 Ang ibinigay naman sa lipi ni Benjamin ay ang Geba, Alemet at Anatot, kasama ang mga pastulan sa paligid nito. Labingtatlong lunsod ang nakuha ng kanilang angkan.

61 Sampung lunsod ang nakuha ng iba pang angkan ni Kohat mula sa kalahating lipi ni Manases. 62 Buhat sa lipi nina Isacar, Asher, Neftali at Manases, labingtatlong lunsod lamang sa Bashan ang napunta sa mga anak ni Gershon ayon sa kanilang sambahayan. 63 Sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang sambahayan, labindalawa namang lunsod ang nakuha nila buhat sa mga lipi nina Ruben, Gad at Zebulun. 64 Ang mga Levita ay binigyan ng mga Israelita ng mga lunsod at mga pastulan. 65 Ang mga lunsod na ito, na mula sa lipi nina Juda, Simeon at Benjamin, ay napunta sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan.

66 May ilan pa sa mga angkan ni Kohat na nagkaroon ng mga lunsod mula sa lupain ni Efraim. 67 Ang nakuha nila ay ang mga lunsod-kanlungan gaya ng Shekem at ang mga pastulan sa kaburulan ng Efraim, Gezer, 68 Jocmeam, Beth-horon, 69 Ayalon, at Gat-rimon. 70 Mula naman sa kalahating lipi ni Manases, napunta sa iba pang sambahayan ni Kohat ang Aner at ang mga pastulan nito, at ang Bileam at ang mga pastulan nito.

71 Mula rin sa kalahating lipi ni Manases, napunta naman sa mga anak ni Gershon ang Golan sa Bashan, at ang Astarot at ang pastulan ng mga ito. 72 Mula sa lipi ni Isacar ay napunta kay Gershon ang Kades, Daberat, 73 Ramot at Anem at ang pastulan ng mga ito. 74 Mula naman sa lipi ni Asher ay ang Masal, Abdon, 75 Hucoc at Rehob at ang mga pastulan ng mga ito. 76 Sa lipi ni Neftali ay napunta ang Kades sa Galilea, ang Hamon, ang Kiryataim at ang mga pastulan ng mga ito. 77 Napunta rin sa iba pang mga angkan ni Merari na mula sa lipi ni Zebulun ang Rimono at Tabor at ang pastulan ng mga ito. 78 Sa gawing silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico, napunta rin sa kanila mula sa lipi ni Ruben ang Bezer, Jaza, 79 Kedemot at Mefaat at ang pastulan ng mga ito. 80 At mula naman sa lipi ni Gad ay ang Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81 Hesbon at Hazer at ang mga pastulan ng mga ito.

Juan 6:1-21

Ang Pagpapakain sa Limanlibo(A)

Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio. Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, “Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.

Sumagot naman si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak[a] ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.”

Sinabi ni Andres na isa sa kanyang mga alagad at kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?” 10 “Paupuin ninyo ang mga tao,” sabi ni Jesus. Madamo sa lugar na iyon. Umupo nga ang mga tao; sa kanila'y may humigit-kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi iyon sa mga taong nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda. Nakakain ang lahat at nabusog. 12 Nang makakain na ang mga tao, sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Ipunin ninyo ang lumabis nang di masayang.” 13 Ganoon nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang kaing mula sa limang tinapay na sebada.

14 Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, “Tunay na ito ang Propetang darating sa sanlibutan!” 15 Napansin ni Jesus na lalapitan siya ng mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig(B)

16 Nang magtatakipsilim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa. 17 Sumakay sila sa bangka at naglayag papuntang Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. 18 Lumakas ang hangin at lumaki ang alon. 19 Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. 20 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito!” 21 Tuwang-tuwa nilang pinasakay si Jesus; at kaagad na nakarating ang bangka sa kanilang pupuntahan.

Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.