Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Version
1 Cronica 1-3

Mga Talaan ng mga Angkang Pinagmulan ng Israel

Si Adan ang ama ni Set at si Set ang ama ni Enos. Si Enos ang ama ni Kenan at si Kenan ang ama ni Mahalalel na ama ni Jared. Si Jared ang ama ni Enoc, at anak ni Enoc si Matusalem na ama ni Lamec. Si Lamec ang ama ni Noe at mga anak naman ni Noe sina Shem, Ham at Jafet.

Ang mga anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. Ang mga anak naman ni Gomer ay sina Askenaz, Difat at Togarma. Ang mga anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.

Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Egipto, Libya at Canaan. Mga anak ni Cus sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca, at ang kay Raama naman ay sina Sheba at Dedan. 10 Anak din ni Cus si Nimrod, ang unang makapangyarihang mananakop sa daigdig. 11 Si Egipto ang pinagmulan ng mga Ludim, Anamim, Lehabim at Naftuhim. 12 Siya rin ang pinagmulan ng mga Patrusim, Casluhim at Caftorim, na siya namang pinagmulan ng mga Filisteo. 13 Ang mga anak ni Canaan ay si Sidon, na siyang panganay, at si Het. 14 Sila ang mga ninuno ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergeseo, 15 Hivita, Arkita, Sinita, 16 Arvadita, Zemareo at Hamateo.

17 Ang mga anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter at Meshec. 18 Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Eber. 19 Dalawang lalaki ang naging anak ni Eber; Peleg[a] ang pangalan ng isa sapagkat sa panahon niya nahati ang daigdig, at Joctan naman ang pangalan ng kapatid nito. 20 Si Joctan ang ama ng magkakapatid na Almodad, Selef, Hazarmavet, Jerah, 21 Hadoram, Uzal, Dicla, 22 Ebal, Abimael, Sheba, 23 Ofir, Havila at Jobab.

24 Ganito ang pagkakasunud-sunod ng lahi mula kay Shem hanggang kay Abram: Shem, Arfaxad, Selah, 25 Eber, Peleg, Reu, 26 Serug, Nahor, Terah, 27 at Abram, na tinawag ding Abraham.

Ang Lahi ni Ismael(A)

28 Ang dalawang anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael. 29 Ang mga anak ni Ismael ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam, 30 Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema, 31 Jetur, Nafis at Kedema.

32 Ito ang mga anak ni Abraham sa kanyang asawang-lingkod na si Ketura: sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan. 33 Mga anak ni Midian sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa.

Ang Lahi ni Esau(B)

34 Ang anak ni Abraham na si Isaac ay may dalawang anak: sina Esau at Jacob. 35 Ang mga anak ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Korah. 36 Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna at Amalek. 37 Ang kay Reuel naman ay sina Nahat, Zera, Sammah at Miza.

Ang Lahi ni Seir(C)

38 Ang mga anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan. 39 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam; si Timna ang kapatid na babae ni Lotan. 40 Mga anak ni Sobal sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aias at Ana. 41 Anak ni Ana si Dison. Si Dison naman ang ama ng magkakapatid na Hamram, Esban, Itran at Keran. 42 Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran.

Ang mga Hari at Pinuno ng Edom(D)

43 Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay Dinhaba. 44 Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra. 45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya. 46 Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay isang taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Midian sa lupain ng Moab. 47 Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca. 48 Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates. 49 Nang mamatay si Saul, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor. 50 Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga-lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mehetabel na anak ni Matred. Si Matred ay anak na babae ni Mezahab.

51 Pagkamatay ni Hadad, ang mga ito ang naging pinuno ng Edom: Timna, Alian, Jetet, 52 Aholibama, Ela, Pinon, 53 Kenaz, Teman, Mibzar, 54 Magdiel, at Iram.

Ang Lahi ni Juda

Ito ang mga anak ni Jacob: Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher. Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Canaanita ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay naging masama sa paningin ni Yahweh kaya ito'y pinatay. Sina Peres at Zera naman ang naging mga anak niya kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak ni Juda.

Ang mga anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul. Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera. Anak(E) ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan,[b] ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin. Si Azarias naman ay anak ni Etan.

Ang Angkan na Pinagmulan ni David

Ang mga anak ni Hezron ay tatlo: sina Jerameel, Ram at Caleb. 10 Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, isang pinuno sa lipi ni Juda. 11 Anak ni Naason si Salma na ama naman ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed na ama naman ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, pangalawa si Abinadab at si Simea ang pangatlo. 14 Ang pang-apat ay si Netanel, panglima si Radai, 15 pang-anim si Ozem at pampito si David. 16 Dalawa ang kapatid nilang babae: sina Zervias at Abigail. Tatlo ang anak ni Zervias: sina Abisai, Joab at Asahel. 17 Ang anak naman ni Abigail ay si Amasa na ang ama ay si Jeter na isang Ismaelita.

Ang Lahi ni Hezron

18 Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba na ang pangalan ay Jeriot. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon. 19 Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.

21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub 22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead. 23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead. 24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.

Ang Lahi ni Jerameel

25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam. 27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito. 28 Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur. 29 Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid. 30 Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. 31 Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai. 32 Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter. 33 Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel. 34 Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan. 35 Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan na ama naman ni Zabad. 37 Si Zabad ang ama ni Eflal na ama ni Obed. 38 Si Obed ang ama ni Jehu na ama naman ni Azarias. 39 Si Azarias ang ama ni Helez na ama ni Eleasa. 40 Si Eleasa ang ama ni Sismai na ama naman ni Sallum. 41 Si Sallum ang ama ni Jecamias na ama ni Elisama.

Ang Lahi ni Caleb

42 Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron. 43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem at Sema. 44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai. 45 Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Beth-sur. 46 Naging asawang-lingkod ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo: sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang ngalan ng naging anak ni Haran. 47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf. 48 Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana. 49 Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana at si Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.

50 Ito ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay na anak niya kay Efrata. Naging anak naman ni Hur sina Sobal na nagtatag ng Lunsod ng Jearim, 51 si Salma na nagtatag ng Bethlehem at si Haref na nagtatag ng Beth-gader. 52 Si Sobal ang ama ni Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Menuho. 53 Kay Sobal din nagmula ang ilang angkang nanirahan sa Lunsod ng Jearim tulad ng mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, mga Misraita, mga Zorita at mga Estaolita. 54 Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Bethlehem ay ang Netofatita, Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita at Zorita. 55 Ang angkan ng mga eskriba na tumira sa Jabes ay ang mga Tiratita, Simatita at Sucatita. Ito ang mga Kenita buhat sa Hamat, ang pinagmulan ng angkan ni Recab.

Ang Angkan ni David

Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel. Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit. Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla. Anim(F) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. Doo'y(G) apat ang naging anak niya kay Batsheba[c] na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet, Noga, Nefeg, Jafia, Elisama, Eliada at Elifelet. Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.

Ang Angkan ni Haring Solomon

10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat. 11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas. 12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases. 14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias. 15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.

Ang Angkan ni Haring Jeconias

17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias. 19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit. 20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.

21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias. 22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat. 23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam. 24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.

Juan 5:25-47

25 Pakatandaan ninyo na darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang sinumang makinig sa kanya ay mabubuhay. 26 Kung paanong ang Ama mismo ang pinagmumulan ng buhay, gayon din naman ang Anak na binigyan niya ng ganoong karapatan. 27 Binigyan niya ang Anak ng kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao. 28 Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig 29 at sila'y(A) babangon. Lahat ng gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan.”

Mga Saksi para kay Jesus

30 “Wala akong magagawa sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya't matuwid ang hatol ko. Hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

31 “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang patotoo ko ay walang katotohanan. 32 Ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. 33 Nagpadala(B) kayo ng mga sugo kay Juan at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. 34 Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. 35 Si(C) Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo'y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. 36 Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit pa sa patotoo ni Juan. Ang mga gawang ipinapagawa sa akin ng Ama na siya ko namang ginaganap, ang nagpapatotoo na ako'y isinugo ng Ama. 37 At(D) ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma'y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita man ang kanyang anyo. 38 Hindi nanatili sa inyong mga puso ang kanyang salita sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa isinugo niya. 39 Sinasaliksik(E) ninyo ang mga Kasulatan sa pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin! 40 Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay.

41 “Hindi ako naghahangad ng parangal ng tao. 42 Subalit kilala ko kayo; alam kong wala kayong pag-ibig sa Diyos. 43 Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, subalit ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, siya'y inyong tatanggapin. 44 Paano kayo maniniwala sa akin kung ang hinahangad ninyo'y ang papuri ng isa't isa at hindi ang papuri na nanggagaling sa iisang Diyos? 45 Huwag ninyong isipin na ako ang magsasakdal laban sa inyo sa harapan ng Ama. Si Moises, na inaasahan ninyo, ang siyang maghaharap ng paratang laban sa inyo. 46 Kung talagang naniniwala kayo kay Moises, maniniwala din kayo sa akin, sapagkat sumulat siya tungkol sa akin. 47 Ngunit kung hindi kayo naniniwala sa mga isinulat niya, paano kayo maniniwala sa mga sinasabi ko?”

Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.