Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 105-106

Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.

105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
(E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;
12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
15 Na sinasabi, (F)Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis.
At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
16 (G)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (H)tukod ng tinapay.
17 (I)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(J)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (K)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (L)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (M)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (N)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (O)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (P)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (Q)lupain ng Cham.
24 (R)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (S)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (T)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (U)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (V)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (W)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (X)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.
37 (Y)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(Z)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (AA)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (AB)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (AC)pagkain na mula sa langit.
41 (AD)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(AE)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (AF)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (AG)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.

106 (AH)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(AI)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(AJ)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
(AK)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
Upang makita ko ang kaginhawahan ng (AL)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
(AM)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(AN)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
Gayon ma'y iniligtas niya sila (AO)dahil sa (AP)kaniyang pangalan,
(AQ)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (AR)natuyo:
Sa gayo'y (AS)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (AT)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (AU)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (AV)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (AW)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (AX)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (AY)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (AZ)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (BA)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (BB)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (BC)Sila'y nagsigawa ng guya (BD)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (BE)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (BF)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (BG)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(BH)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (BI)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (BJ)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (BK)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(BL)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (BM)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (BN)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(BO)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (BP)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (BQ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (BR)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (BS)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (BT)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (BU)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (BV)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (BW)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (BX)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (BY)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (BZ)Ginawa naman niyang sila'y (CA)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (CB)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (CC)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (CD)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Corinto 3

At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa (A)espiritu, kundi tulad sa mga nasa (B)laman, tulad sa (C)mga sanggol kay Cristo.

Kinandili ko kayo ng (D)gatas, at hindi ng lamang-kati; (E)sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;

Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at (F)mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?

Sapagka't kung sinasabi ng isa, (G)Ako'y kay Pablo; at ng iba, (H)Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?

Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? (I)Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa (J)ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon (K)sa kaniya.

Ako ang (L)nagtanim, (M)si Apolos ang nagdilig; (N)nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.

Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.

Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang (O)bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.

Sapagka't (P)tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, (Q)ang gusali ng Dios.

10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.

11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, (R)na ito'y si Cristo Jesus.

12 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;

13 Ang gawa (S)ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't (T)ang araw (U)ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.

14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.

15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, (V)ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y (W)tulad sa pamamagitan ng apoy.

16 Hindi baga ninyo nalalaman (X)na kayo'y templo ng Dios, at (Y)ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?

17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.

18 Sinoma'y huwag (Z)magdaya sa kaniyang sarili. (AA)Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang (AB)ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.

19 Sapagka't ang (AC)karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, (AD)Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:

20 At muli, (AE)Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.

21 Kaya't (AF)huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.

22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si (AG)Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit (AH)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; (AI)lahat ay sa inyo:

23 At (AJ)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978