Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 123-125

Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

123 Sa iyo'y (A)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (B)na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (C)kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(D)Ng duwahagi ng mga (E)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.

Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

124 (F)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(G)Sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana (H)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo (I)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
(J)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
(K)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.

Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (L)hindi bubuhatin sa (M)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
Nguni't sa (N)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(O)Kapayapaan nawa ay suma Israel.

1 Corinto 10:1-18

10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;

At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;

At (C)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;

At (D)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.

Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; (E)sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.

Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (F)gaya naman nila na nagsipagnasa.

Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, (G)Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.

Ni huwag din naman tayong (H)makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang (I)nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.

Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at (J)nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at (K)nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.

11 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at (L)pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

12 Kaya't (M)ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (N)tapat ang Dios, (O)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.

14 Kaya, mga minamahal ko, (P)magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.

15 Ako'y nagsasalitang tulad (Q)sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko.

16 Ang saro ng pagpapala (R)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?

17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, (S)iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.

18 Tingnan ninyo (T)ang Israel na ayon sa laman: (U)ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978