Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 87-88

Salmo ng mga anak ni Core; Awit.

87 Ang kaniyang (A)patibayan ay (B)nasa mga banal na bundok.
Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(C)Oh bayan ng Dios. (Selah)
Aking babanggitin ang Rahab (D)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (E)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

Awit, Salmo ng mga anak ni Core; sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath Leannoth. Masquil ni (F)Heman na (G)Ezrahita.

88 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan,
Ako'y dumaing (H)araw at gabi sa harap mo:
Masok ang aking dalangin sa iyong harapan:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan,
At ang aking buhay ay (I)nalalapit sa Sheol,
(J)Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay;
Ako'y parang taong walang lakas:
Nakahagis sa gitna ng mga patay,
Gaya ng napatay na nakahiga sa libingan,
Na (K)hindi mo na inaalaala; At sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay,
Sa mga (L)madilim na dako, sa mga (M)kalaliman.
Lubhang idinidiin ako ng iyong poot,
At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
(N)Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko;
Iyong ginawa akong (O)kasuklamsuklam sa kanila:
Ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian:
Ako'y tumawag (P)araw-araw sa iyo, Oh Panginoon,
Aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay?
Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan?
O ang iyong pagtatapat sa (Q)Kagibaan?
12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa (R)dilim?
At ang katuwiran mo sa lupain ng (S)pagkalimot?
13 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako,
At (T)sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko?
Bakit mo (U)ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan:
Habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin;
Inihiwalay ako (V)ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw;
(W)Kinubkob ako nilang magkakasama.
18 Mangliligaw at kaibigan ay (X)inilayo mo sa akin,
At ang aking kakilala ay sa (Y)dilim.

Roma 13

13 Ang bawa't (A)kaluluwa ay pasakop sa matataas (B)na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.

Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? (C)gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.

Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.

Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo (D)ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.

Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: (E)buwis sa dapat buwisan; (F)ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: (G)sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.

Sapagka't ito, (H)Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y (I)Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.

10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: (J)ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang (K)magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.

12 (L)Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: (M)iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at (N)ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.

13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa (O)kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

14 Kundi bagkus isakbat ninyo (P)ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978