Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 20-21

Sinabi ni Sophar na ang makasalanan kahit anong yaman, ay kailangan na dumanas ng kaparusahan.

20 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Zophar na Naamathita, at nagsabi,

Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip,
Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan,
At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
Hindi mo ba nalalaman ito ng una,
Mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
(B)Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli,
At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
(C)Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit,
At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi:
Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
Siya'y mawawala na (D)gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa;
Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha,
At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan,
(E)Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig,
Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
13 Bagaman kaniyang patawarin,
at hindi niya ito babayaan,
Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan,
Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli:
Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas;
Papatayin siya ng (F)dila ng ulupong.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog,
Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin;
Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha;
Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya,
Hindi siya makapagliligtas ng anoman (G)sa kaniyang kinaluluguran.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal;
Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya;
Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan,
Ihuhulog ng Dios ang kaniyang (H)mabangis na poot sa kaniya.
At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
24 (I)Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal,
At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan:
Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo;
Mga kakilabutan ang (J)sumasa kaniya.
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya;
(K)Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya:
Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
27 Ihahayag (L)ng mga langit ang kaniyang kasamaan,
At ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon,
Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios,
At ang manang takda sa kaniya ng Dios.

Si Job ay tumutol sa kaginhawahan ng makasalanan; itinanggi ang pagtanggap ng parusa ng mga makasalanan.

21 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita;
At ito'y maging inyong mga kaaliwan.
Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita,
(M)At pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.
Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing?
At bakit hindi ako maiinip?
Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo.
At (N)ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako,
At kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
(O)Bakit nabubuhay ang masama,
Nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan?
Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin,
At ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata.
Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot,
Kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila.
10 Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog;
Ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya.
11 Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan,
At ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan,
12 Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa,
At nangagkakatuwa sa tunog ng (P)plauta.
13 Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol.
14 At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin;
Sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.
15 (Q)Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin?
At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
16 Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay:
(R)Ang payo ng masama ay malayo sa akin.
17 (S)Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama?
Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila?
Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?
18 (T)Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin,
At gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19 Inyong sinasabi, (U)Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak.
Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya.
20 Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba,
At (V)uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
21 Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya,
Pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna?
22 (W)May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios?
Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
23 Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan,
Palibhasa't walang bahala at tahimik:
24 Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas,
At ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.
25 At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa,
At kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.
26 Sila'y (X)nahihigang magkakasama sa alabok,
At tinatakpan sila ng uod.
27 Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip,
At ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin.
28 Sapagka't inyong sinasabi, (Y)Saan naroon ang bahay ng prinsipe?
At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?
29 Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan?
At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan?
30 (Z)Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan?
Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?
31 Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha?
At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?
32 Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan,
At magbabantay ang mga tao sa libingan.
33 Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya,
At lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya,
Gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang.
34 Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan,
Dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan?

Mga Gawa 10:24-48

24 At nang kinabukasa'y nagsipasok sila sa (A)Cesarea. At sila'y hinihintay ni Cornelio, na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal.

25 At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at (B)nagpatirapa sa kanyang paanan, at siya'y sinamba.

26 Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; (C)ako man ay tao rin.

27 At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya, ay pumasok siya, at kaniyang naratnan ang (D)maraming nangagkakatipon:

28 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na (E)makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala (F)sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal:

29 Dahil din dito'y naparito akong hindi tumutol ng anoman, nang ako'y ipasundo. Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako.

30 At sinabi ni Cornelio, (G)May apat nang araw, hanggang sa oras na ito, na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na (H)ikasiyam sa bahay ko; at narito, tumindig sa harapan ko ang (I)isang lalake na may pananamit na nagniningning,

31 At sinabi, Cornelio, dininig ang dalangin mo, at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios.

32 Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat.

33 Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon.

34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi,

Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:

35 Kundi (J)sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.

36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, (K)na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (L)(siya'y Panginoon ng lahat)—

37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, (M)magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;

38 Sa makatuwid baga'y si (N)Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; (O)sapagka't sumasa kaniya ang Dios.

39 At mga saksi (P)kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.

40 Siya'y muling binuhay ng Dios (Q)nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.

41 (R)Hindi sa buong bayan, kundi sa mga (S)saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na (T)nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.

42 At (U)sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan (V)na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.

43 Siya ang pinatotohanan ng (W)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (X)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

44 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.

45 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay (Y)nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.

46 Sapagka't nangarinig nilang (Z)nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,

47 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?

48 At inutusan niya (AA)sila na magsipagbautismo (AB)sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978