Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 28-29

Ang tao ay mainam kumita ng kayamanan sa sanglibutan.

28 Tunay na may mina na mayroong pilak,
At dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
Bakal ay hinuhukay sa lupa,
At tanso ay binububo mula sa bato.
Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman,
At sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan
Ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao:
Nililimot ng paa na dumadaan; Nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay:
At sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro.
At ito'y may alabok na ginto.
Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam.
Ni nakita man ng mata ng falkon:
Hindi natungtungan ng mga palalong hayop,
Ni naraanan man ng mabangis na leon,
Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian;
Binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
10 Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato;
At ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
11 Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos;
At ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.

Ang karunungan ay lalong mabuting kayamanan, na ang Dios lamang ang nakaaalam.

12 (A)Nguni't saan masusumpungan ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13 Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon;
Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14 Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin:
At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15 (B)Hindi mabibili ng ginto,
Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16 Hindi mahahalagahan ng (C)ginto sa Ophir,
Ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon:
Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal;
Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga (D)rubi.
19 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon,
Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
20 Saan nanggagaling nga ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
21 Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay,
At natatago sa mga ibon sa himpapawid.
22 Ang (E)kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi,
Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
23 Nauunawa ng (F)Dios ang daan niyaon,
At nalalaman niya ang dako niyaon.
24 Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa,
At nakikita ang silong ng buong langit;
25 (G)Upang bigyan ng timbang ang hangin;
Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
26 Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan,
At ng daan sa kidlat ng kulog:
27 Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag;
Kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
28 At sa tao ay sinabi niya,
Narito, (H)ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan;
At ang (I)paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.

Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.

29 At (J)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,

Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una,
Gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
(K)Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo
At sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan,
Noong (L)ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa,
At ang (M)aking mga anak ay nangasa palibot ko;
Noong ang aking mga hakbang ay (N)naliligo sa gatas,
At (O)ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
Noong ako'y lumalabas sa (P)pintuang-bayan hanggang sa bayan,
Noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli,
At ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap,
(Q)At inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik,
At ang (R)kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako;
At pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
12 Sapagka't aking (S)iniligtas ang dukha na dumadaing,
Ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin:
At aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
14 (T)Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako:
Ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
15 Ako'y naging (U)mga mata sa bulag,
At naging mga paa ako sa pilay.
16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan;
At ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
17 At aking (V)binali ang mga pangil ng liko,
At inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, Mamamatay ako (W)sa aking pugad,
At aking pararamihin ang aking mga kaarawan na (X)gaya ng buhangin:
19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig,
At ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking (Y)sanga:
20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin,
At (Z)ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay,
At nagsisitahimik sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli;
At ang aking pananalita ay (AA)tumutulo sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
At kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa (AB)huling ulan.
24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala:
At ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno,
At tumatahang gaya ng hari sa hukbo,
Gaya ng nangaaliw sa nananangis.

Mga Gawa 13:1-25

13 Sa iglesia nga na nasa (A)Antioquia ay may mga propeta at mga (B)guro, (C)si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si (D)Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni (E)Herodes na tetrarka, at si (F)Saulo.

At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at (G)nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing (H)itinawag ko sa kanila.

Nang magkagayon, (I)nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.

Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa (J)Chipre.

At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa (K)mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong (L)si Juan.

At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng (M)isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;

Na kasama ng (N)proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.

Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.

Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na (O)puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,

10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na (P)anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?

11 At ngayon, narito, nasa iyo (Q)ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw (R)na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.

12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.

13 Nagsitulak nga sa (S)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (T)sa Jerusalem.

14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (U)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.

15 At pagkatapos ng pagbasa ng (V)kautusan at ng (W)mga propeta, (X)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (Y)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (Z)ikinikiya na nagsabi,

Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 (AA)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (AB)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (AC)sila roon.

18 At nang panahong halos (AD)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At (AE)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (AF)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At (AG)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay (AH)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (AI)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (AJ)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay (AK)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (AL)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (AM)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 (AN)Sa binhi ng taong ito, (AO)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (AP)Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni (AQ)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (AR)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978