Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 36-37

Minamarapat ni Eliu ang paggamit ng parusa ng Dios.

36 Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,

Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo;
Sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo,
At aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan:
Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man;
(A)Siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama:
Nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid:
Kundi kasama ng mga hari sa luklukan
(B)Kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
At (C)kung sila'y mapapangaw,
At mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa,
At ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
10 (D)Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo,
At iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
11 Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya,
Kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At ang kanilang mga taon sa kasayahan.
12 Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak,
At sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
13 Nguni't ang di banal sa (E)puso ay nagbubunton ng galit:
Hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya (F)sila.
14 (G)Sila'y nangamamatay sa kabataan,
At ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
15 Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati,
At ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
16 Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan,
Hanggang sa luwal na (H)dako na walang kagipitan;
At ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.

Ipinapayo ni Eliu kay Job na sumailalim ng Panginoon, at kilanlin ang kapangyarihan ng Panginoon.

17 Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama:
Kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
18 Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan;
Ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
19 Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan,
O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
20 Huwag mong nasain ang gabi,
Pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
21 Ikaw ay magingat, (I)huwag mong lingunin ang kasamaan;
Sapagka't (J)ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
22 Narito, ang Dios ay gumagawa
ng mainam sa kaniyang kapangyarihan:
(K)Sinong tagapagturo ang gaya niya?
23 (L)Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan?
O sinong makapagsasabi, Ikaw ay gumawa ng kalikuan?
24 Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa,
Na inawit ng mga tao.
25 Lahat ng mga tao'y nakakita noon;
Makikita ito ng tao sa malayo.
26 Narito, ang Dios ay dakila, at hindi (M)natin nakikilala siya;
(N)Hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
27 Sapagka't (O)pinailanglang niya ang mga patak ng tubig,
Na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
28 (P)Na ibinubuhos ng mga langit
At ipinapatak na sagana sa tao.
29 Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap,
Ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
30 (Q)Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya;
At inaapawan ang kalaliman ng dagat.
31 Sapagka't (R)sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan;
(S)Siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
32 Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat;
At ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
33 Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya,
Ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.

Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa paglalalang at sa sumasangkap ng sanglibutan.

37 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
At napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig,
At ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit,
At ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong;
(T)Siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan:
At hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig;
(U)Dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
Sapagka't sinabi niya sa nieve, (V)Lumagpak ka sa lupa;
Gayon din sa ambon,
At sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao:
Upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
Kung gayo'y nagsisipasok (W)ang mga hayop sa mga lungga,
At namamalagi sa kanilang mga tahanan.
Mula sa timog nanggagaling ang bagyo:
At ang ginaw ay mula sa hilagaan.
10 (X)Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo:
At ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
11 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig;
Kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
12 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay,
(Y)Upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila,
Sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
13 Maging sa saway, o maging (Z)sa kaniyang lupain,
O (AA)maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
14 Dinggin mo ito, Oh Job:
Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios.
15 Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios,
At pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap?
16 Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap,
Ang kagilagilalas na mga gawa niya na (AB)sakdal sa kaalaman?
17 Paanong umiinit ang inyong mga suot,
Pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan?
18 (AC)Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit,
Na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
19 Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya;
Sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman.
20 Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita?
O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin?
21 At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit:
Nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon.
22 Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan;
(AD)May taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan.
23 Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, (AE)hindi natin mauunawa;
Siya'y (AF)marilag sa kapangyarihan;
At sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati.
24 (AG)Kinatatakutan nga siya ng mga tao:
Hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang (AH)pantas sa puso.

Mga Gawa 15:22-41

22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng (A)matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si (B)Silas na mga nangungulo sa (C)mga kapatid:

23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia (D)at Siria at Cilicia, ay bumabati:

24 Sapagka't aming nabalitaan na ang (E)ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita, na isininsay ang inyong mga kaluluwa; na sa kanila'y hindi kami nangagutos ng anoman;

25 Ay minagaling namin, nang mapagkaisahan na, na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo,

26 Na mga lalaking (F)nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.

27 Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig.

28 Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:

29 Na kayo'y magsiilag sa mga (G)bagay na inihain sa mga diosdiosan, at (H)sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.

30 Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa (I)Antioquia; at nang matipon na nila ang karamihan, ay kanilang ibinigay ang sulat.

31 At nang ito'y kanilang mabasa na, ay nangagalak dahil sa pagkaaliw.

32 Si Judas at si Silas, palibhasa'y mga (J)propeta rin naman, ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita, at (K)sila'y pinapagtibay.

33 At nang sila'y makapaggugol na ng ilang panahon doon, ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila.[a](L)

35 Datapuwa't nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia, na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon, na kasama naman ng ibang marami.

36 At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid (M)sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.

37 At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si (N)Juan, na tinatawag na Marcos.

38 Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila (O)ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain.

39 At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni (P)Bernabe si Marcos, at lumayag sa (Q)Chipre:

40 Datapuwa't hinirang ni Pablo si (R)Silas, at yumaon, na sila'y (S)ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.

41 At kaniyang tinahak ang (T)Siria at Cilicia, (U)na pinagtitibay ang mga iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978