Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 32-33

Ang salita ni Eliu.

32 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y (A)matuwid sa kaniyang sariling paningin.

Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na (B)Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.

Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.

Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.

At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.

At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi,

Ako'y (C)bata, at kayo'y totoong matatanda;
Kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.
Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita,
At ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.
Nguni't may (D)espiritu sa tao,
At ang (E)hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa.
(F)Hindi ang dakila ang siyang pantas,
Ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.
10 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako;
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
11 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita,
Aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran,
Samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
12 Oo, aking inulinig kayo,
At, narito, walang isang makahikayat kay Job,
O sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.
13 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan;
Madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;
14 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin;
Ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.
15 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa;
Sila'y walang salitang masabi,
16 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita,
Sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot?
17 Ako nama'y sasagot ng ganang akin,
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
18 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita;
Ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,
19 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan:
Parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.
20 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan:
Aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.
21 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman;
Ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.
22 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita;
Na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.

Sinabi na ang tao ay tinutulungan sa pamamagitan ng panaginip at ng karamdaman. Ang pagtulong ng Anghel.

33 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita,
At pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig;
Nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
Sasaysayin ng (G)aking mga salita ang katuwiran ng aking puso;
At ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
Nilalang ako (H)ng Espiritu ng Dios,
At ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin;
Ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
Narito, ako'y sa Dios na gaya mo:
Ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
(I)Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan,
Ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig,
At aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
(J)Ako'y malinis na walang pagsalangsang;
Ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
10 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin,
Ibinilang niya (K)ako na pinakakaaway:
11 (L)Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan,
Kaniyang (M)pinupuna ang lahat na aking landas.
12 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap;
Sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
13 Bakit ka (N)nakikilaban sa kaniya?
Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
14 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita,
Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
15 (O)Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao,
Sa mga pagkakatulog sa higaan;
16 (P)Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao,
At itinatatak ang kanilang turo,
17 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala,
At ikubli ang kapalaluan sa tao;
18 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
19 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan,
At ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
20 (Q)Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay,
At ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
21 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita;
At ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
22 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
23 Kung doroong kasama niya ang isang anghel,
Isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo,
Upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
24 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi,
Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay,
Ako'y nakasumpong ng katubusan.
25 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata;
Siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
26 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya:
Na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan:
At kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
27 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi,
(R)Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid,
At hindi ko napakinabangan:
28 Kaniyang (S)tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay,
At ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
29 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios,
Makalawa, oo, makaitlo sa tao,
30 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay,
Upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
31 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
32 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako:
Ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
33 Kung hindi, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.

Mga Gawa 14

14 At nangyari sa (A)Iconio na sila'y magkasamang nagsipasok (B)sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa't nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego.

Datapuwa't (C)inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil, at pinasama sila laban sa mga kapatid.

Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa (D)salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan.

Datapuwa't nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga (E)apostol.

At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila'y halayin at batuhin,

At sa pagkaalam nila nito, ay (F)nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia, (G)Listra at Derbe, at sa palibotlibot ng lupain:

At doon nila ipinangaral ang evangelio.

At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (H)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.

Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (I)upang mapagaling,

10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (J)At siya'y lumukso at lumakad.

11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, (K)Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.

12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.

13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.

14 Datapuwa't nang marinig ito (L)ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay (M)hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw

15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, (N)bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong (O)walang kabuluhan ay magsibalik kayo (P)sa Dios na buhay, (Q)na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:

16 Na nang mga panahong nakaraan (R)ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.

17 At gayon man ay (S)hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti (T)at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng (U)pagkain at ng katuwaan.

18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.

19 Datapuwa't (V)nagsirating ang mga Judiong buhat sa (W)Antioquia at (X)Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, (Y)ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.

20 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa (Z)Derbe.

21 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,

22 Na (AA)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (AB)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.

23 At nang makapaglagay na sa kanila ng (AC)mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.

24 At kanilang tinahak ang (AD)Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.

25 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;

26 At buhat doo'y nagsilayag sila sa (AE)Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa (AF)biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.

27 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, (AG)at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.

28 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978