Old/New Testament
Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.
25 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga (A)mataas na dako.
3 May anomang (B)bilang ba sa kaniyang mga hukbo?
At doon (C)sa hindi sinisikatan ng (D)kaniyang liwanag?
4 (E)Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?
O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
5 Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,
At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
6 Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
At ang anak ng tao, (F)na isang uod!
Ang ika siyam na pagsasalita ni Job.
26 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan!
Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!
3 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan,
At saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
4 Kanino mo binigkas ang mga salita?
At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?
5 (G)Ang mga patay ay nanginginig
Sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.
6 (H)Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios,
At ang (I)Abaddon ay walang takip.
7 (J)Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman,
At ibinibitin ang lupa sa wala.
8 (K)Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap;
At ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
9 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan,
At iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
10 (L)Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig,
Hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
11 (M)Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig.
At nangatitigilan sa kaniyang saway.
12 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan,
At sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
13 (N)Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit;
Sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.
14 Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan:
At pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya!
Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?
Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.
27 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2 Buhay ang Dios, (O)na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu (P)ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
(Q)Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
(R)Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 (S)Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 (T)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 (U)Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 (V)Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa (W)tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
(X)At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Bagaman siya'y (Y)magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 Maihahanda niya, (Z)nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At (AA)gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya (AB)pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 (AC)Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na (AD)gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Sapagka't (AE)hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 (AF)Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At (AG)hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
12 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.
2 At pinatay niya sa tabak si (A)Santiago na kapatid ni Juan.
3 At (B)nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.
4 At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na (C)tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos (D)ng Paskua.
5 Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't (E)ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.
6 At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.
7 At narito, tumayo sa tabi niya (F)ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.
8 At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.
9 At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.
10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; (G)na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.
11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga (H)Judio.
12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni (I)Juan na may pamagat na (J)Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon (K)at nagsisipanalangin.
13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.
14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.
15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na (L)yao'y kaniyang anghel.
16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.
17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay (M)Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.
18 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro.
19 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.
20 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.
21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa (N)luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.
22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.
23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
24 Datapuwa't lumago (O)ang salita ng Dios at dumami.
25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, (P)nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si (Q)Juan na may pamagat na Marcos.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978