Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 66-67

Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.

66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
(C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
(D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(O)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
(P)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (Q)sa lahat ng mga bansa.
(R)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Isinibol (S)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (T)mangatatakot sa kaniya.

Roma 7

O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay?

Sapagka't ang babae (A)na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.

Kaya nga (B)kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.

Gayon din naman, mga kapatid ko, (C)kayo'y nangamatay rin sa kautusan (D)sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios.

Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, (E)ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa (F)sa ating mga sangkap (G)upang magsipagbunga sa kamatayan.

Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo (H)sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.

Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, (I)hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, (J)Huwag kang mananakim:

Datapuwa't (K)ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay.

At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay;

10 At ang utos (L)na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay;

11 Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, (M)ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.

12 Kaya nga (N)ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at (O)matuwid, at mabuti.

13 Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan;—na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.

14 Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y (P)sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na (Q)ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.

15 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: (R)sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.

16 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.

17 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

18 Sapagka't nalalaman ko na (S)sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala.

19 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.

20 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin.

22 Sapagka't (T)ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios (U)ayon sa pagkataong loob:

23 Datapuwa't (V)nakikita ko ang ibang kautusan sa (W)aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.

24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa (X)katawan nitong kamatayan?

25 Nagpapasalamat ako sa Dios (Y)sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978