Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 135-136

Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.

135 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
(A)Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa (B)mga looban ng bahay ng ating Dios.
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; (C)sapagka't maligaya.
Sapagka't pinili ng (D)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (E)kayamanan.
Sapagka't nalalaman ko (F)na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin (G)mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
(H)Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 (I)Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay (J)Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At (K)sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, (L)Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (M)magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 (N)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 (O)Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
(P)Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.

136 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (Q)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(R)Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Sa kaniya na (S)gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(T)Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(U)Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(V)Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ng araw upang magpuno sa araw:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 (W)Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 (X)At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 (Y)Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 (Z)Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 (AA)Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 (AB)Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 (AC)Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 (AD)At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 (AE)Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 (AF)At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 (AG)At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na (AH)kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 (AI)Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25 (AJ)Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

1 Corinto 12

12 Ngayong tungkol (A)sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.

Nalalaman ninyo (B)na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo (C)sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.

Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala (D)sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay (E)itinakwil; at wala (F)sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ngayo'y (G)may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't (H)iisang Espiritu.

At may (I)iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.

At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang (J)Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.

Datapuwa't sa bawa't isa (K)ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng (L)karunungan; at sa iba'y ang salita ng (M)kaalaman ayon din sa Espiritu:

Sa iba'y ang (N)pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang (O)mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.

10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang (P)pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang (Q)iba't ibang wika; at sa iba'y ang (R)pagpapaliwanag ng mga wika.

11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

12 Sapagka't (S)kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, (T)maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay (U)pinainom sa (V)isang Espiritu.

14 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.

15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.

16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.

17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.

18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.

19 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?

20 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.

21 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.

22 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina:

23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;

24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;

25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.

26 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap (W)ay nangagagalak na kasama niya.

27 (X)Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga (Y)sangkap niya.

28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y (Z)mga apostol, ikalawa'y (AA)mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka (AB)mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, (AC)mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.

29 Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala?

30 May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? (AD)nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?

31 Datapuwa't maningas ninyong (AE)nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978