Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Kawikaan 25-26

Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.

25 Ang mga (A)ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin (B)ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
(C)Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay:
Nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay (D)magusisa ng isang bagay.
Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman,
Gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
(E)Alisin ang dumi sa pilak,
At lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
(F)Alisin ang masama sa harap ng hari,
At ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.
Huwag kang magpauna sa harapan ng hari,
At huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
(G)Sapagka't maigi na sabihin sa iyo,
Sumampa ka rito:
Kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo,
Na nakita ng iyong mga mata.
(H)Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag,
Baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon,
Pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
(I)Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa,
At huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
10 Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo,
At ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.
11 Salitang sinalita sa kaukulan
Ay gaya ng mga (J)mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
12 Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto,
(K)Gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig.
13 (L)Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani,
Gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya;
Sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.
14 (M)Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan,
(N)Gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.
15 (O)Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo,
At ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.
16 (P)Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo;
Baka ka masuya, at iyong isuka.
17 Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa;
Baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka.
18 (Q)Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa
Ay isang pangbayo (R)at isang tabak, at isang matulis na (S)pana.
19 Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan
Ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa.
20 Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa,
Gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso.
21 (T)Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain;
At kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:
22 Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo,
(U)At gagantihin ka ng Panginoon.
23 (V)Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan:
Gayon (W)ang dilang maninirang puri ay nakagagalit.
24 (X)Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,
Kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.
25 Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa,
Gayon ang mga (Y)mabuting balita na mula sa malayong lupain.
26 Kung paano ang malabong (Z)balon, at ang bukal na nalabusaw,
Gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama.
27 Hindi mabuting (AA)kumain ng maraming pulot:
Gayon (AB)ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.
28 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa
Ay parang bayang nabagsak at walang kuta.

Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.

26 Kung paano ang niebe sa taginit, (AC)at kung paano ang ulan sa pagaani,
Gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad,
Gayon (AD)ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
(AE)Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno,
At (AF)ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
(AG)Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
(AH)Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang
Naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
Ang mga hita ng pilay ay nabibitin:
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog,
Gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango,
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat,
Gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
11 Kung paano ang (AI)aso na bumabalik sa kaniyang suka,
Gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
12 (AJ)Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili.
May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
13 (AK)Sinabi ng tamad, May leon sa daan;
Isang leon ay nasa mga lansangan.
14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra,
Gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
15 (AL)Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan;
Napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
16 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili
Kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
17 Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya,
Ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
18 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy,
Mga pana, at kamatayan;
19 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa,
At nagsasabi, (AM)Hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
20 Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy:
(AN)At kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
21 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy;
Gayon (AO)ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
22 (AP)Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
23 Mga mapusok na labi at masamang puso
Ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
24 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi,
Nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
25 (AQ)Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan;
Sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
26 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan,
At ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
27 (AR)Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon:
At siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
28 Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya;
At ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.

2 Corinto 9

Sapagka't (A)tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa (B)mga banal, ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa.

Sapagka't nakikilala ko ang (C)inyong sikap, (D)na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia, na ang (E)Acaya ay nahahandang (F)isang taon na; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila.

Datapuwa't sinugo ko (G)ang mga kapatid, upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito; na, ayon sa aking sinabi, kayo'y mangakapaghanda:

Baka sakaling sa anomang paraan (H)kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang (I)ito.

Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.

Datapuwa't sinasabi ko, (J)Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.

Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (K)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

At maaaring (L)gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:

Gaya ng nasusulat,

(M)Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

10 At ang (N)nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:

11 Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, (O)na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.

12 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang (P)tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;

13 Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;

14 Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo (Q)dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo.

15 Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masayod.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978