Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Kawikaan 10-12

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

10 (A)Mga kawikaan ni Salomon.

Ang (B)pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama:
Nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
(C)Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Hindi titiisin (D)ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid:
Nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
Siya'y nagiging dukha na gumagawa (E)ng kamay na walang kasipagan:
Nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak:
Nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
(F)Ang alaala sa ganap ay pinagpapala:
Nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay:
Nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.
10 (G)Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
11 Ang bibig ng matuwid, ay (H)bukal ng kabuhayan:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
12 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan:
(I)Nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.
13 Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan:
Nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.
14 Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.
15 Ang kayamanan ng mayaman (J)ay ang kaniyang matibay na bayan:
Ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan.
16 Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay;
Ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.
17 (K)Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway:
Nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.
18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi;
At (L)siyang nagpaparatang ay mangmang.
19 Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang:
Nguni't (M)siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.
20 Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak:
Ang puso ng masama ay kaunti ang halaga.
21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami:
Nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.
22 (N)Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman,
At hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.
23 Isang paglilibang sa mangmang ang (O)paggawa ng kasamaan:
At gayon ang karunungan sa taong naguunawa.
24 (P)Ang takot ng masama ay darating sa kaniya:
(Q)At ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.
25 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang (R)masama:
Nguni't ang (S)matuwid ay walang hanggang patibayan.
26 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata,
Gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.
27 (T)Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan:
(U)Nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.
28 Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan:
(V)Nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.
29 Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid;
(W)Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
30 (X)Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man:
(Y)Nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.
31 (Z)Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan:
Nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.
32 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod:
Nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

11 Ang marayang (AA)timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.
Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan:
Nguni't nasa mababa ang karunungan.
Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila:
Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
Ang mga kayamanan ay (AB)walang kabuluhan sa kaarawan ng poot:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad:
Nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.
Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila:
Nguni't (AC)silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan.
Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak;
At ang pagasa ng masama ay nawawala.
(AD)Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan,
At ang masama ay dumarating na kahalili niya.
Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa:
Nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid.
10 (AE)Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak:
At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11 Nabubunyi ang bayan (AF)sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid:
Nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
12 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan:
Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13 (AG)Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim:
Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
14 (AH)Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak:
Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
15 (AI)Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara:
Nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay.
16 Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan:
At ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
17 Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti (AJ)sa kaniyang sariling kaluluwa:
Nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.
18 Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod:
Nguni't (AK)ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
19 Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay:
(AL)At siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay.
20 Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran.
21 (AM)Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan:
Nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
22 Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy,
Gayon ang magandang babae na walang bait.
23 Ang nasa ng matuwid ay buti lamang:
Nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24 May (AN)nagsasabog, at tumutubo pa,
At may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25 (AO)Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba:
(AP)At siyang dumidilig ay madidilig din.
26 (AQ)Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan:
Nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
27 Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap:
(AR)Nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
28 (AS)Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal:
(AT)Nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon.
29 Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay (AU)magmamana ng hangin:
At ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.
30 Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay;
At (AV)siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.
31 (AW)Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa:
Gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

12 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.
(AX)Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon:
Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.
Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan:
(AY)Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.
(AZ)Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:
Nguni't siyang nakahihiya ay parang (BA)kabulukan sa kaniyang mga buto.
Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap:
Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.
(BB)Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo:
Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.
Ang masama ay (BC)inilulugmok at nawawala:
Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.
Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan:
Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.
Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin,
Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.
10 (BD)Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop:
Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.
11 (BE)Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.
12 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao:
Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.
13 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao:
(BF)Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.
14 (BG)Ang tao ay (BH)masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig;
At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.
15 (BI)Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.
16 (BJ)Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala:
Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.
17 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran,
Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
18 (BK)May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:
Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.
19 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man.
(BL)Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.
20 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan:
Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.
21 (BM)Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:
Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.
22 (BN)Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
23 (BO)Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.
24 (BP)Ang kamay ng masipag ay magpupuno:
Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.
25 (BQ)Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot;
Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.
26 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:
Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.
27 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan;
Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.
28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

2 Corinto 4

Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong (A)ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina.

Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na (B)hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng (C)katotohanan ay (D)ipinagtatagubilin ang aming sarili (E)sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios.

At kung ang aming evangelio ay (F)natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:

Na binulag (G)ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, (H)na siyang larawan ng Dios.

Sapagka't (I)hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, (J)at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.

Yamang ang Dios, ang nagsabi, (K)Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.

Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, (L)upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili;

Sa magkabikabila ay (M)nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;

(N)Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira;

10 Laging saan ma'y (O)tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, (P)upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.

11 Sapagka't kaming nangabubuhay ay (Q)laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.

12 Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo.

13 Nguni't yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng nasusulat, (R)Sumampalataya ako, at kaya't nagsalita ako; kami naman ay nagsisisampalataya, at kaya't kami naman ay nangagsasalita;

14 Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.

15 Sapagka't ang (S)lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na (T)pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios.

16 Kaya nga (U)hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't (V)ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

17 Sapagka't ang aming magaang kapighatian, (W)na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;

18 Samantalang kami ay nagsisitingin hindi (X)sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978