Old/New Testament
Ang tawag ng karunungan.
8 Hindi ba umiiyak (A)ang karunungan,
At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?
2 Sa (B)taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan,
Sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo;
3 Sa tabi ng mga (C)pintuang-bayan sa pasukan ng bayan,
Sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:
4 Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag;
At ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.
5 Oh kayong mga musmos, (D)magsiunawa kayo ng katalinuhan;
At, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso.
6 Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga (E)marilag na bagay;
At ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay,
7 Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan;
At kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
8 Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran;
Walang bagay na liko o suwail sa kanila.
9 (F)Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa,
At matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
10 Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak;
At ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.
11 (G)Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi;
At lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
12 Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan,
At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.
13 (H)Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan;
(I)Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad,
At (J)ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.
14 Payo ay akin at magaling na kaalaman:
Ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,
15 (K)Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari,
At nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.
16 Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo,
At ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.
17 (L)Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin;
At yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan (M)ako.
18 (N)Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin;
Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.
19 Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na (O)ginto;
At ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.
20 Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran,
Sa gitna ng mga landas ng kahatulan:
21 Upang aking papagmanahin ng pagaari yaong nagsisiibig sa akin,
At upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman.
Ang kaluwalhatian ng karunungan. Ang pagkamapalad ng marunong na lalake.
22 Inari ako (P)ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad,
Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23 (Q)Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula,
Bago nalikha ang lupa.
24 (R)Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman;
Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25 (S)Bago ang mga bundok ay nalagay,
Bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man,
Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:
Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas:
Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
29 (T)Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan,
Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos:
Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:
30 (U)Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa:
At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw,
Na nagagalak na lagi sa harap niya;
31 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa;
At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.
32 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako:
Sapagka't (V)mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan.
33 Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas,
At huwag ninyong tanggihan.
34 (W)Mapalad ang tao na nakikinig sa akin,
Na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan,
Na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan.
35 Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay (X)nakakasumpong ng buhay.
At magtatamo ng lingap ng Panginoon.
36 Nguni`t siyang nagkakasala laban sa akin ay (Y)nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa;
Silang lahat na nangagtatanim sa akin ay (Z)nagsisiibig ng kamatayan.
Ang handaan ng karunungan.
9 (AA)Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay,
Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:
2 (AB)Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak;
Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.
3 Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae;
Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
4 Kung sinoma'y musmos, pumasok dito:
(AC)Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
5 Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay,
At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
6 Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay;
At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
7 Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili:
At siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
8 (AD)Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya:
(AE)Sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.
9 Turuan mo ang pantas, at (AF)siya'y magiging lalong pantas pa:
Iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.
10 (AG)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan:
At ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
11 Sapagka't (AH)sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan,
At ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.
12 (AI)Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili:
At kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa (AJ)ang magpapasan.
Ang anyaya ng hangal na babae.
13 (AK)Ang hangal na babae ay madaldal;
Siya'y musmos at walang nalalaman.
14 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay,
Sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
15 Upang tawagin ang nangagdadaan,
Na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
16 Sinomang musmos ay pumasok dito:
At tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
17 (AL)Ang mga nakaw na tubig ay matamis,
At ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
18 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay (AM)nandoon;
Na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.
3 Pinasisimulan baga naming (A)muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya (B)ng iba, ng mga (C)sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?
2 Kayo ay ang aming sulat, (D)na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
3 Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi (E)sa mga tapyas ng bato, kundi (F)sa mga tapyas ng pusong laman.
4 At ang gayong (G)pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
5 Hindi sa kami ay (H)sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang (I)aming kasapatan ay mula sa Dios;
6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga (J)ministro (K)ng bagong (L)tipan; hindi (M)ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't (N)ang titik ay pumapatay, (O)datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 Nguni't kung (P)ang pangangasiwa ng kamatayan, (Q)na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, (R)ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi (S)makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:
8 Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?
9 Sapagka't kung (T)ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian (U)ang pangasiwang ukol sa katuwiran.
10 Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay (V)hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana.
11 Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian.
12 Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita,
13 At hindi gaya ni Moises, (W) na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa (X)katapusan niyaong lumilipas:
14 Datapuwa't (Y)ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, (Z)pagka binabasa ang (AA)matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.
15 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.
16 Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.
17 Ngayon ang Panginoon ay siyang (AB)Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon (AC)ay may kalayaan.
18 Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging (AD)gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, (AE)ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978