Old/New Testament
Ang kasintahang babae ay nagsalita sa mga anak na babae ng Jerusalem.
1 Ang awit ng mga awit, (A)na kay Salomon.
2 Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig:
(B)Sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.
3 Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy;
Ang (C)iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos;
Kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.
4 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo:
(D)Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid:
Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo.
Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak:
Matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
5 Ako'y maitim, nguni't kahalihalina,
Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem,
Gaya ng mga (E)tolda sa (F)Cedar,
Gaya ng mga tabing ni Salomon.
6 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi,
Sapagka't sinunog ako ng araw.
Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin,
Kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan;
Nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
7 Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa,
Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan,
Kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat:
Sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan
Sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama?
8 Kung hindi mo nalalaman, (G)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae,
Yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan,
At pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor.
Paguusap ng magkasuyo.
9 Aking itinulad ka, Oh aking (H)sinta,
Sa isang (I)kabayo sa mga karo ni Faraon.
10 Pinagaganda (J)ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok,
Ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas.
11 Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto
Na may mga kabit na pilak.
12 Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang,
Ang aking (K)nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango.
13 Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin,
Na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.
14 Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin
Sa mga ubasan ng En-gadi.
15 Narito, ikaw ay (L)maganda, sinta ko,
Narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.
16 Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya:
Ang ating higaan naman ay lungtian.
17 Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro,
At ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.
Pangungusap ng magkasuyong babae at lalake.
2 Ako'y (M)rosa ng Saron, Lila ng mga libis.
2 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat,
Gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake.
Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran.
(N)At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan,
At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas:
Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay (O)ay nasa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7 Pinagbibilinan ko kayo, (P)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta,
Hanggang sa ibigin niya.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta (Q)ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(R)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng (S)batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (T)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(U)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato,
Sa puwang ng matarik na dako,
Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
(V)Iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin (W)ang mga sora, ang mga munting sora
Na naninira ng mga ubasan;
Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, (X)at ako ay kaniya:
(Y)Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, (Z)at ang mga lilim ay mawala,
Pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay (AA)maging gaya ng usa o ng batang usa
Sa mga bundok ng Bether.
Sila ay naghanapan at nagkita.
3 Sa kinagabihan sa aking higaan,
Ay (AB)hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
2 Aking sinabi, Ako'y babangon at liligid sa bayan,
Sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan,
Aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
3 (AC)Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako:
Na siya kong pinagsabihan, Nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?
4 Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila.
Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis,
Hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina,
At sa silid niya na naglihi sa akin.
5 (AD)Pinagbibilinan ko kayo, (AE)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta,
Hanggang sa ibigin niya.
6 Sino (AF)itong umaahong mula sa ilang
Na (AG)gaya ng mga haliging usok,
Na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan,
Ng lahat na blanquete ng mangangalakal?
Ang pangkasalang pagdating.
7 Narito, ito ang arag-arag ni Salomon;
Anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito,
Sa mga makapangyarihang lalake ng Israel.
8 Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma:
Bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi,
Dahil sa takot kung gabi.
9 Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin
Na kahoy sa Libano,
10 Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak,
Ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube,
Ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta,
Na mula sa mga (AH)anak na babae ng Jerusalem.
11 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon,
Na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina,
(AI)Sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa,
At sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.
2 Nang makaraan nga ang labing-apat na taon (A)ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si (B)Bernabe, at isinama ko rin naman si (C)Tito.
2 At ako'y umahon (D)dahil sa pahayag; (E)at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, (F)baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.
3 Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi (G)napilit na patuli.
4 At yaon ay dahil sa mga (H)hindi tunay na kapatid na (I)ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming (J)kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus, (K)upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin:
5 Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.
6 Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman)—silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:
7 Kundi bagkus (L)nang makita nila na (M)sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli
8 (Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay (N)naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);
9 At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay (O)Bernabe ni (P)Santiago at ni (Q)Cefas at ni Juan, sila na mga (R)inaaring (S)haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;
10 Ang kanila lamang hinihiling (T)ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.
11 Nguni't nang dumating si Cefas sa (U)Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan.
12 Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay (V)nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa (W)mga sa pagtutuli.
13 At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari.
14 Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?
15 Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga (X)makasalanang Gentil,
16 Bagama't naaalaman (Y)na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na (Z)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.
17 Nguni't kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo'y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari.
18 Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako'y suwail.
19 Sapagka't ako (AA)sa pamamagitan ng kautusan (AB)ay namatay, sa kautusan, (AC)upang ako'y mabuhay sa Dios.
20 Ako'y napako sa krus na (AD)kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay (AE)umibig, at (AF)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
21 Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: (AG)sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978