Add parallel Print Page Options

Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.

Read full chapter

10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(A)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.

Read full chapter

13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (A)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(B)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.

Read full chapter

Papuri sa kasintahang babae sa handaan.

Narito, ikaw ay (A)maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong (B)lambong:
Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng (C)Galaad.

Read full chapter

Sagot ng kasintahang babae at lalake.

Ikaw ay totoong maganda, sinta ko;
(A)At walang kapintasan sa iyo.

Read full chapter

Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising:
Ang tinig ng aking sinta (A)ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi,
Pagbuksan mo ako, kapatid ko, (B)sinta ko, (C)kalapati ko, (D)sakdal ko:
Sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog,
Ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi.

Read full chapter

Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng (A)Tirsa,
Kahalihalina na gaya ng Jerusalem,
Kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.

Read full chapter