Old/New Testament
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
2 (A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 (D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
6 Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 (F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
8 Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
9 Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (X)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (Y)sabi ng una:
3 (Z)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (AA)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(AB)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (AC)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 (AD)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(AE)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (AF)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (AG)sa parang ng Zoan.
13 (AH)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (AI)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (AJ)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(AK)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (AL)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (AM)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (AN)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (AO)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (AP)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (AQ)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (AR)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (AS)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (AT)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (AU)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (AV)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (AW)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (AX)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (AY)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (AZ)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (BA)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (BB)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 (BC)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (BD)At naalaala niyang (BE)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (BF)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (BG)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (BH)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (BI)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (BJ)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (BK)balang.
47 Sinira niya ang (BL)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (BM)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (BN)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (BO)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (BP)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (BQ)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (BR)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (BS)binahagi sa kanila na pinakamana (BT)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (BU)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (BV)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (BW)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (BX)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (BY)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (BZ)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (CA)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (CB)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (CC)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (CD)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (CE)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (CF)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (CG)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (CH)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (CI)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
10 Mga kapatid, (A)ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.
2 Sapagka't sila'y pinatotohanan ko (B)na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
3 Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, (C)ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
4 Sapagka't si (D)Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya.
5 Sapagka't isinulat ni Moises na (E)ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito.
6 Datapuwa't sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito, (F)Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga'y (G)upang ibaba si Cristo:)
7 O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa makatuwid baga'y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.)
8 Datapuwa't ano ang sinasabi nito? Ang salita ay (H)malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: sa makatuwid baga'y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral:
9 Sapagka't (I)kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.
11 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, (J)Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.
12 Sapagka't (K)walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay (L)siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag:
13 Sapagka't, Ang (M)lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga (N)sinugo? gaya nga ng nasusulat, (O)Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!
16 Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, (P)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
17 Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.
18 Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga sila'y nangakinig? (Q)Oo, tunay nga,
Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita'y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan.
19 Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga nalalaman ng Israel? Unauna'y sinasabi ni Moises,
(R)Ipamumungkahi ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bansa,
Sa pamamagitan ng (S)isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo.
20 At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi,
(T)Ako'y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin;
Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin.
21 Datapuwa't tungkol sa Israel ay sinasabi niya,
(U)Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayang suwail at matutol.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978