Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Ezra 10

Ang Pasiya tungkol sa Magkahalong Pag-aasawa

10 Habang si Ezra ay nananalangin at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harapan ng bahay ng Diyos, isang napakalaking pagtitipon ng mga lalaki, mga babae, at mga bata ang nagtipun-tipon sa kanya mula sa Israel; at ang taong-bayan ay umiyak din na may kapaitan.

At si Shecanias na anak ni Jehiel, isa sa mga anak ni Elam ay nagsalita kay Ezra: “Kami ay nagkasala laban sa ating Diyos at nag-asawa ng mga banyagang babae mula sa mga mamamayan ng lupain, subalit kahit ngayon ay may pag-asa sa Israel sa kabila nito.

Ngayon ay makipagtipan tayo sa ating Diyos na paalisin ang lahat ng mga asawang ito at ang kanilang mga anak, ayon sa payo ng aking panginoon at ng mga nanginginig sa utos ng ating Diyos; at gawin ito ayon sa kautusan.

Bumangon ka, sapagkat ito ay gawain mo, at kami ay kasama mo. Magpakalakas ka at gawin mo.”

Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga namumunong pari, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ang ayon sa sinabi. Kaya't sumumpa sila.

Pagkatapos ay tumindig si Ezra mula sa harapan ng bahay ng Diyos, at pumasok sa silid ni Jehohanan na anak ni Eliasib, na doon ay nagpalipas siya ng magdamag, at hindi kumain ng tinapay ni uminom man ng tubig, kundi siya'y nanangis dahil sa kataksilan ng mga bihag.

Ginawa ang isang pahayag sa buong Juda at Jerusalem sa lahat ng mga bumalik na bihag na sila'y magtipun-tipon sa Jerusalem;

at kung sinuman ay hindi dumating sa loob ng tatlong araw, ayon sa utos ng mga pinuno at ng matatanda, lahat ng kanyang ari-arian ay sasamsamin, at siya mismo ay ititiwalag sa kapulungan ng mga bihag.

Nang magkagayon, ang lahat ng kalalakihan ng Juda at Benjamin ay nagtipun-tipon sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw; noon ay ikasiyam na buwan nang ikadalawampung araw ng buwan. Ang buong bayan ay naupo sa liwasang-bayan sa harapan ng bahay ng Diyos na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.

10 Ang paring si Ezra ay tumayo at sinabi sa kanila, “Kayo'y lumabag at nag-asawa ng mga babaing banyaga, kaya't lumaki ang pagkakasala ng Israel.

11 Ngayon nga'y mangumpisal kayo sa Panginoon, sa Diyos ng inyong mga ninuno, at inyong gawin ang kanyang kalooban. Humiwalay kayo sa mga mamamayan ng lupain at sa mga asawang banyaga.”

12 Nang magkagayon ang buong kapisanan ay sumagot nang malakas na tinig, “Gayon nga, dapat naming gawin ang ayon sa sinabi mo.

13 Ngunit ang mamamayan ay marami, at ngayon ay tag-ulan; kami ay hindi makakatagal sa labas. Ito ay isang gawain na hindi magagawa sa isang araw o dalawa, sapagkat kami ay nakagawa ng napakalaking pagkakasala sa bagay na ito.

14 Hayaang tumayo ang aming mga pinuno para sa buong kapisanan, at pumarito sa takdang panahon ang lahat sa aming mga mamamayan na kumuha ng mga asawang banyaga, at pumaritong kasama nila ang matatanda at mga hukom ng lahat ng lunsod, hanggang sa ang mabangis na poot ng aming Diyos tungkol sa bagay na ito ay maiiwas sa amin.”

15 Si Jonathan lamang na anak ni Asahel, at si Jaazias na anak ni Tikva ang sumalungat dito, si Mesulam at si Sabetai na Levita ang tumulong sa kanila.

16 Gayon ang ginawa ng mga bihag na bumalik. Ang paring si Ezra ay pumili ng mga lalaki, mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, bawat isa sa kanila ay itinalaga ayon sa pangalan. Sa unang araw ng ikasampung buwan sila ay umupo upang suriin ang pangyayari.

17 At sa pagdating ng unang araw ng unang buwan sila ay dumating sa katapusan ng lahat ng mga lalaking nag-asawa ng mga babaing banyaga.

Ang mga Lalaking may Asawang Banyaga

18 Sa mga anak ng mga pari na nag-asawa ng mga babaing banyaga ay natagpuan sina Maasias, Eliezer, Jarib, at Gedalias na mga anak ni Jeshua, na anak ni Jozadak, at ang kanyang mga kapatid.

19 Sila'y nangako na hihiwalayan ang kanilang mga asawa; at ang kanilang handog para sa budhing maysala ay isang lalaking tupa mula sa kawan para sa budhing maysala.

20 Sa mga anak ni Imer: sina Hanani at Zebadias.

21 Sa mga anak ni Harim: sina Maasias, Elias, Shemaya, Jehiel, at Uzias.

22 Sa mga anak ni Pashur: sina Elioenai, Maasias, Ismael, Natanael, Jozabad, at Elasa.

23 At sa mga Levita: sina Jozabad, Shimei, Kelaia (na siya ring Kelita), Petaya, Juda, at Eliezer.

24 Sa mga mang-aawit: si Eliasib; at sa mga bantay-pinto: sina Shallum, Telem, at Uri.

25 Sa Israel; sa mga anak ni Paros: sina Ramia, Izzias, Malkia, Mijamin, Eleazar, Hashabias, at Benaya.

26 Sa mga anak ni Elam: sina Matanias, Zacarias, Jehiel, Abdi, Jeremot, at Elia.

27 Sa mga anak ni Zatu: sina Elioenai, Eliasib, Matanias, Jeremot, Zabad, at Aziza.

28 Sa mga anak ni Bebai: sina Jehohanan, Hananias, Zabai, at Atlai.

29 Sa mga anak ni Bani: sina Mesulam, Malluc, Adaya, Jasub, Seal, at Ramot.

30 Sa mga anak ni Pahat-moab: sina Adna, Cheleal, Benaya, Maasias, Matanias, Besaleel, Binui, at Manases.

31 Sa mga anak ni Harim: sina Eliezer, Issia, Malkia, Shemaya, at Simeon;

32 Benjamin, Malluc, at Shemarias.

33 Sa mga anak ni Hasum: sina Matenai, Matata, Zabad, Elifelet, Jeremai, Manases, at Shimei.

34 Sa mga anak ni Bani: sina Maadi, Amram, at Uel;

35 Benaya, Bedias, Cheluhi;

36 Vanias, Meremot, Eliasib;

37 Matanias, Matenai, Jaasai;

38 Bani, Binui, Shimei;

39 Shelemias, Natan, Adaya;

40 Macnadbai, Sasai, Sarai;

41 Azarel, Shelemias, Shemarias;

42 Shallum, Amarias, at Jose.

43 Sa mga anak ni Nebo: sina Jehiel, Matithias, Zabad, Zebina, Jadau, Joel, at Benaya.

44 Lahat ng mga ito'y nagsipag-asawa ng mga babaing banyaga, at kanilang pinaalis sila kasama ang kanilang mga anak.

1 Corinto 6

Tungkol sa mga Usapin Laban sa Kapatid

Kapag ang sinuman sa inyo ay may reklamo laban sa isang kapatid, mangangahas ba siyang magsakdal sa harapan ng mga masasama at hindi sa harapan ng mga banal?

Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga banal ay hahatol sa sanlibutan? At kung ang sanlibutan ay hahatulan ninyo, wala ba kayong kakayahang humatol sa napakaliliit na bagay?

Hindi ba ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? Gaano pa kaya ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito?

Kung kayo nga'y mayroong usapin tungkol sa mga bagay ng buhay na ito, itinatalaga ba ninyong hukom ang mga taong maliit lamang ang pagkilala ng iglesya?

Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo. Wala bang kahit isa mang tao sa inyo na marunong na may kakayahang magpasiya sa kanyang mga kapatid,

kundi ang isang kapatid na nagdedemanda laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi mananampalataya?

Sa katunayan, ang magkaroon kayo ng usapin laban sa isa't-isa ay isa nang pagkatalo para sa inyo. Bakit hindi ninyo hayaan na lamang na kayo'y gawan ng masama? Bakit hindi na lamang kayo padaya?

Ngunit kayo mismo ang gumagawa ng masama at nandaraya at ito'y sa inyong mga kapatid.

Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga sumasamba sa diyus-diyosan, mga mangangalunya, mga binabae, mga nakikiapid sa kapwa lalaki,

10 mga magnanakaw, masasakim, mga maglalasing, mga mapagmura, o ang mga manggagantso ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.

11 At ganyan ang mga ilan sa inyo noon. Subalit nahugasan na kayo, ginawa na kayong banal, at inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa Espiritu ng ating Diyos.

12 “Ang(A) lahat ng mga bagay para sa akin ay matuwid;” ngunit hindi lahat ng mga bagay ay makakatulong. “Ang lahat ng mga bagay para sa akin ay matuwid,” ngunit hindi ako paaalipin sa anuman.

13 “Ang pagkain ay para sa tiyan, at ang tiyan ay para sa pagkain,” ngunit ito at ang mga iyon ay wawasakin ng Diyos. Gayunman ang katawan ay hindi para sa pakikiapid, kundi para sa Panginoon, at ang Panginoon ay para sa katawan.

14 At binuhay ng Diyos ang Panginoon at bubuhayin din tayo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

15 Hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? Kukunin ko ba ang mga sangkap ni Cristo at gagawin kong mga sangkap ng isang masamang babae? Huwag nawang mangyari.

16 Hindi(B) ba ninyo nalalaman na ang nakikisama sa masamang babae ay nagiging iisang katawan na kasama niya? Sapagkat sinasabi, “Ang dalawa ay magiging isang laman.”

17 Ngunit siya na nakikisama sa Panginoon ay nagiging iisang espiritu na kasama niya.

18 Umiwas kayo sa pakikiapid. Bawat kasalanang maaaring gawin ng tao ay nasa labas ng katawan; ngunit ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kanyang sariling katawan.

19 O(C) hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo mula sa Diyos, at kayo ay hindi sa inyong sarili?

20 Sapagkat kayo'y binili sa isang halaga, kaya't luwalhatiin ninyo ng inyong katawan ang Diyos.

Mga Awit 31:9-18

Maawa ka sa akin, O Panginoon, sapagkat ako'y nasa kahirapan;
    ang aking mata ay namumugto dahil sa kapanglawan,
    gayundin ang aking kaluluwa at katawan.
10 Sapagkat ang aking buhay ay pagod na sa lungkot,
    at ang aking mga taon sa paghihimutok;
dahil sa aking kasalanan, lakas ko'y nauubos,
    at ang aking mga buto ay nanghihina.

11 Sa lahat kong mga kaaway, ako ang tampulan ng pagkutya,
    lalung-lalo na sa aking mga kapwa,
sa aking mga kakilala ay bagay na kinasisindakan,
    yaong mga nakakakita sa akin sa lansangan sa aki'y naglalayuan.
12 Ako'y lumipas na sa isip gaya ng isang patay;
    ako'y naging gaya ng isang basag na sisidlan.
13 Oo, aking naririnig ang bulungan ng marami—
    kakilabutan sa bawat panig!—
habang sila'y magkakasamang nagpapanukala laban sa akin,
    habang sila'y nagsasabwatan upang buhay ko'y kunin.

14 Ngunit nagtitiwala ako sa iyo, O Panginoon,
    sinasabi ko, “Ikaw ang aking Diyos.”
15 Ang aking mga panahon ay nasa iyong kamay;
    iligtas mo ako sa mga umuusig sa akin at sa kamay ng aking mga kaaway!
16 Sa iyong lingkod, mukha mo nawa'y magliwanag,
    iligtas mo ako ng iyong pag-ibig na tapat!
17 Huwag mong hayaang malagay ako sa kahihiyan, O Panginoon,
    sapagkat sa iyo ako'y nananawagan,
hayaang malagay ang masasama sa kahihiyan,
    na magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Mapipi nawa ang mga sinungaling na labi,
    na walang pakundangang nagsasalita
    laban sa matuwid nang may kapalaluan at paglait.

Mga Kawikaan 21:3

Ang paggawa ng katuwiran at katarungan,
    ay higit na kalugud-lugod sa Panginoon kaysa pag-aalay.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001