Chronological
27 Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay (A)nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay:
2 (B)At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay (C)Pilato na gobernador.
3 Nang magkagayo'y si Judas, (D)na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,
4 Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.
5 At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at (E)umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.
6 At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak, at sinabi, Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman, sapagka't halaga ng dugo.
7 At sila'y nangagsanggunian, at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok, upang paglibingan ng mga taga ibang bayan.
8 Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang (F)bukid ng dugo, (G)hanggang ngayon.
9 Nang magkagayo'y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, (H)At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak, halaga noong hinalagahan, na inihalaga ng mga anak ng Israel;
10 At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.
11 Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: (I)at tinanong siya ng gobernador, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsasabi.
12 At nang siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya sumagot ng (J)anoman.
13 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?
14 At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador.
15 (K)Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin.
16 At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.
17 Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?
18 Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.
19 At samantalang nakaupo siya sa (L)luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.
20 Inudyukan (M)ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus.
21 Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas.
22 Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.
23 At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.
24 Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y (N)kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.
25 At sumagot ang buong bayan at nagsabi, (O)Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.
26 Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay (P)hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.
27 Nang magkagayo'y dinala si Jesus (Q)ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.
28 At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan (R)siya ng isang balabal na kulay-ube.
29 At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!
30 At siya'y (S)kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.
31 At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.
32 (T)At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong (U)taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
33 (V)At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, (W)sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,
34 Ay pinainom nila siya ng (X)alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.
35 At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay (Y)kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;
36 At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.
37 (Z)At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.
38 Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang (AA)dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
39 At siya'y nililibak (AB)ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,
40 At nangagsasabi, Ikaw (AC)na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.
41 Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,
42 Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.
43 Nananalig siya sa Dios; (AD)iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.
44 At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.
45 (AE)Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam.
46 At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, (AF)Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?
47 At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias.
48 At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang (AG)tambo, at ipinainom sa kaniya.
49 (AH)At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas.
50 At muling sumigaw si (AI)Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.
51 At narito, (AJ)ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig (AK)ang lupa; at nangabaak ang mga bato;
52 At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;
53 At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.
54 (AL)Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.
55 At nangaroroon ang (AM)maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, (AN)na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:
56 Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si (AO)Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang (AP)ina ng mga anak ni Zebedeo.
57 (AQ)At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;
58 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni (AR)Pilato na ibigay yaon.
59 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,
60 At (AS)inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.
61 At nangaroon si Maria Magdalena, at (AT)ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.
62 Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos (AU)ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo,
63 Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, (AV)Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.
64 Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.
65 Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong (AW)bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya.
66 Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.
15 At pagdaka, (A)pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba, at ang buong Sanedrin, at (B)ginapos si Jesus, at inilabas siya, at ibinigay siya kay Pilato.
2 At itinanong sa kaniya ni Pilato, (C)Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya, Ikaw ang nagsasabi.
3 At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote.
4 At muling tinanong siya ni Pilato, na sinasabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo.
5 Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato.
6 (D)Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo, na kanilang hingin sa kaniya.
7 At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas, na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik, mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik.
8 At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila'y gawin ang gaya ng sa kanila'y laging ginagawa.
9 At sinagot sila ni Pilato, na sinasabi, Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?
10 Sapagka't natatalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote.
11 Datapuwa't inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan, na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila.
12 At sumagot na muli si Pilato at sa kanila'y sinabi, Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio?
13 At sila'y muling nagsigawan, Ipako siya sa krus.
14 At sinabi sa kanila ni Pilato, Bakit, anong masama ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nagsigawan, Ipako siya sa krus.
15 At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan, ay pinawalan sa kanila si Barrabas, at ibinigay si Jesus, pagkatapos na siya'y mahampas niya, upang siya'y ipako sa krus.
16 At dinala (E)siya ng mga kawal sa (F)looban, na siyang (G)Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong.
17 At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya.
18 At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio!
19 At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba.
20 At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus.
21 At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
22 (H)At siya'y kanilang dinala (I)sa dako ng Golgota, na kung liliwanagin ay, Ang dako ng bungo.
23 At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap.
24 At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa.
25 At ikatlo na ang oras, (J)at siya'y kanilang ipinako sa krus.
26 At ang pamagat ng pagkasakdal sa kaniya ay isinulat sa ulunan, ANG HARI NG MGA JUDIO.
27 At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan; isa sa kaniyang kanan, at isa sa kaniyang kaliwa.[a](K)
29 At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,
30 Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus.
31 Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.
32 Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.
33 At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam.
34 At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, (L)Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?
35 At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.
36 At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.
37 At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
38 At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.
39 At (M)ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios.
40 At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo: na sa mga yao'y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose, at (N)si Salome;
41 Na, nang siya'y nasa Galilea, ay nagsisunod sila sa kaniya, at siya'y pinaglilingkuran nila; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem.
42 At (O)nang kinahapunan, sapagka't noo'y (P)Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,
43 Dumating si Jose na taga Arimatea, isang (Q)kasangguni na may marangal na kalagayan, na (R)naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.
44 At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang (S)senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.
45 At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.
46 At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.
47 At (T)tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978