Add parallel Print Page Options

33 (A)At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, (B)sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,

34 Ay pinainom nila siya ng (C)alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.

35 At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay (D)kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;

36 At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.

37 (E)At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.

38 Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang (F)dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

39 At siya'y nililibak (G)ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,

40 At nangagsasabi, Ikaw (H)na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.

41 Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,

42 Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.

43 Nananalig siya sa Dios; (I)iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.

44 At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.

45 (J)Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam.

46 At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, (K)Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?

47 At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias.

48 At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang (L)tambo, at ipinainom sa kaniya.

49 (M)At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas.

50 At muling sumigaw si (N)Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.

51 At narito, (O)ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig (P)ang lupa; at nangabaak ang mga bato;

52 At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;

53 At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.

54 (Q)Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.

55 At nangaroroon ang (R)maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, (S)na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:

56 Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si (T)Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang (U)ina ng mga anak ni Zebedeo.

Read full chapter