Chronological
1 Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh (A)Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,
2 Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, (B)pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, (C)sa mga apostol na kaniyang hinirang;
3 Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, (D)pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:
4 At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila (E)na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin (F)ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:
5 Sapagka't tunay na si Juan ay (G)nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y (H)babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (I)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
7 At sinabi niya sa kanila, (J)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (K)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (L)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
9 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, (M)ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang (N)lalaking nangakatayo sa tabi nila (O)na may puting damit;
11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong (P)gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.
12 Nang magkagayon ay (Q)nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, (R)na isang araw ng sabbath lakarin.
13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (S)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (T)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
14 Ang lahat ng mga ito'y (U)nagsisipanatiling matibay na (V)nangagkakaisa sa pananalangin (W)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (X)niya.
15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),
16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, (Y)na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, (Z)na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
17 Sapagka't siya'y (AA)ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong (AB)ito.
18 (AC)(Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng (AD)ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, (AE)Ang parang ng Dugo.)
20 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit,
(AF)Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan,
At huwag bayaang manahan doon ang sinoman;
at,
(AG)Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
21 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,
22 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na (AH)siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi (AI)na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.
23 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
24 At (AJ)sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,
25 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at (AK)pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon (AL)sa kaniyang sariling kalalagyan.
26 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.
2 At nang dumating nga (AM)ang araw ng Pentecostes, silang lahat (AN)ay nangagkakatipon sa isang dako.
2 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na (AO)gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.
3 At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng (AP)apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.
4 At silang lahat (AQ)ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang (AR)magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.
5 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit.
6 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.
7 At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga (AS)mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?
8 At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?
9 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,
10 Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga (AT)naging Judio,
11 Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios.
12 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito?
13 Datapuwa't ang mga iba'y nanganglilibak na nangagsabi, Sila'y puno ng bagong alak.
14 Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.
15 Sapagka't ang mga ito'y hindi mga lasing, na gaya ng inyong inaakala; yamang ngayo'y oras na ikatlo lamang ng araw;
16 Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:
17 At mangyayari sa mga huling araw, (AU)sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu (AV)sa lahat ng laman:
At ang inyong mga anak na lalake at (AW)babae ay manganghuhula,
At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain,
Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:
18 Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon
Ibubuhos ko ang aking Espiritu; (AX)at magsisipanghula sila.
19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas,
At mga tanda sa lupa sa ibaba,
Dugo, at apoy, at singaw ng usok:
20 (AY)Ang araw ay magiging kadiliman,
At ang buwan ay dugo,
Bago dumating ang araw ng Panginoon,
Yaong araw na dakila at tangi:
21 At mangyayari na ang (AZ)sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.
22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: (BA)Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo (BB)sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
23 Siya, na (BC)ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan (BD)ay inyong ipinako sa krus at pinatay:
24 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, (BE)pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.
25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya,
(BF)Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 (BG)Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.
29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin (BH)ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (BI)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;
31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, (BJ)na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.
32 Ang Jesus na ito'y (BK)binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y (BL)mga saksi kaming lahat.
33 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at (BM)tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi,
(BN)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa kanan ko,
35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.
36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (BO)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
37 Nang marinig nga nila ito, (BP)ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?
38 At sinabi sa kanila ni Pedro, (BQ)Mangagsisi kayo, at (BR)mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo (BS)sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo (BT)ang kaloob ng Espiritu Santo.
39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at (BU)sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa (BV)malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.
41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon (BW)ang may tatlong libong kaluluwa.
42 At sila'y nagsipanatiling matibay (BX)sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa (BY)pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
43 (BZ)At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.
44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay (CA)nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;
45 At ipinagbili (CB)nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa.
46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa (CC)sa templo, (CD)at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may (CE)galak at may katapatan ng puso.
47 (CF)Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila (CG)ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.
3 Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik (CH)sa templo nang oras ng pananalangin, (CI)na ikasiyam.
2 At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda, (CJ)upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo;
3 Ito, pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo, ay namanhik upang tumanggap siya ng limos.
4 At pagtitig sa kaniya ni Pedro, na kasama si Juan, ay sinabi, Tingnan mo kami.
5 At kaniyang pinansin sila, na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay.
6 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. (CK)Sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.
7 At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong.
8 At (CL)paglukso, siya'y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios.
9 At nakita ng buong bayang siya'y lumalakad, at nagpupuri sa Dios:
10 At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo; at sila'y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya.
11 At samantalang siya'y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan (CM)sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas.
12 At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya?
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, (CN)ang Dios ng ating mga magulang, ay (CO)niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.
14 Datapuwa't inyong pinakatanggihan (CP)ang Banal at ang Matuwid na Ito, at (CQ)inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao,
15 At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng (CR)Dios na maguli sa mga patay; (CS)mga saksi kami ng mga bagay na ito.
16 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa (CT)kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, (CU)ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
17 At ngayon, mga kapatid, nalalaman ko na inyong ginawa yaon (CV)sa di pagkaalam, gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno.
18 Datapuwa't ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita (CW)ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na ang kaniyang Cristo ay magbabata.
19 Kaya nga mangagsisi kayo, (CX)at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
20 At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga (CY)sa inyo, na si Jesus:
21 Na siya'y (CZ)kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una.
22 Tunay na sinabi ni Moises, (DA)Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.
23 At mangyayari, na ang bawa't kaluluwa na hindi makinig sa propetang yaon, ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan.
24 Oo at ang lahat ng mga propetang mula kay (DB)Samuel at ang mga nagsisunod, sa dami ng mga nagsipagsalita, sila naman ay nagsipagsaysay rin tungkol sa mga araw na ito.
25 Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, (DC)At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa.
26 Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, (DD)ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, (DE)sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978