Chronological
4 At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang (A)puno sa templo, at ang mga Saduceo,
2 Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila (B)ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang (C)pagkabuhay na maguli sa mga patay.
3 At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.
4 Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at (D)ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.
5 At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba;
6 At si Anas, na (E)dakilang saserdote, at (F)si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote.
7 At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito?
8 Nang magkagayo'y si Pedro, na (G)puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda,
9 Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito;
10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, (H)na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, (I)na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
11 Siya ang bato na itinakuwil (J)ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
13 Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at (K)pagkatalastas na sila'y mga taong walang pinagaralan at mga (L)mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y nangakasama ni Jesus.
14 At nang mangakita nila ang taong pinagaling (M)na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol.
15 Datapuwa't nang sila'y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong, ay nangagsangusapan,
16 Na nangagsasabi, (N)Anong gagawin natin sa mga taong ito? sapagka't tunay na ginawa sa pamamagitan nila (O)ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem; at hindi natin maikakaila.
17 Gayon ma'y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan, atin silang balaan, na buhat ngayo'y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito.
18 At sila'y tinawag nila, at binalaan (P)sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus.
19 Datapuwa't si Pedro at si Juan ay (Q)nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila, Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios, inyong hatulan:
20 Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig.
21 At sila, nang mapagbalaan na nila, ay pinakawalan, palibhasa'y hindi nangakasumpong ng anomang bagay upang sila'y kanilang mangaparusahan, (R)dahil sa bayan; sapagka't niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na (S)ginawa.
22 Sapagka't may mahigit nang apat na pung taong gulang ang tao, na ginawan nitong himala ng pagpapagaling.
23 At nang sila'y mangapakawalan na, ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan, at iniulat ang lahat ng sa kanila'y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda.
24 At sila, nang kanilang marinig ito, ay (T)nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon:
25 Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo,
(U)Bakit nangagalit ang mga Gentil,
At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa,
At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan,
Laban sa Panginoon, at laban sa kaniyang Pinahiran.
27 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y (V)laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, (W)na siya mong pinahiran, ang dalawa ni (X)Herodes at ni (Y)Poncio Pilato, kasama (Z)ng mga Gentil at ng (AA)mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan,
28 Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay (AB)at ng iyong pasiya upang mangyari.
29 At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan,
30 Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan (AC)sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.
31 At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig (AD)ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat (AE)ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.
32 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: (AF)kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan.
33 At (AG)pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, (AH)ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.
34 Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: (AI)palibhasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili,
35 At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: (AJ)at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.
36 At si Jose, na pinamagatang (AK)Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre,
37 Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
5 Datapuwa't isang lalake na tinatawag na Ananias, na kasama ng kaniyang asawang si Safira, ay nagbili ng isang pagaari,
2 At inilingid ang isang bahagi ng halaga, na nalalaman din ito ng kaniyang asawa, (AL)at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
3 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?
4 Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.
5 At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: (AM)at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito.
6 At nagsitindig ang mga kabinataan at (AN)siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing.
7 At may tatlong oras ang nakaraan, nang ang kaniyang asawa, na di nalalaman ang nangyari, ay pumasok.
8 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa. At sinabi niya, Oo, sa gayon.
9 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo'y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas.
10 At pagdaka'y nahandusay sa paanan niya ang babae, at nalagot ang hininga: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay, at siya'y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa.
11 At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia, at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito.
12 At (AO)sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao: at nangaroon silang lahat na (AP)nangagkakaisa sa (AQ)portiko ni Salomon.
13 Datapuwa't sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila: (AR)bagaman sila'y pinapupurihan ng bayan;
14 At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon, ang mga karamihang lalake at babae:
15 Na ano pa't dinala nila (AS)sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, (AT)upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila.
16 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.
17 Datapuwa't nagtindig (AU)ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan,
18 At kanilang sinunggaban ang mga apostol, at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan.
19 Datapuwa't nang gabi na ay binuksan (AV)ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan, at sila'y inilabas, at sinabi,
20 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa (AW)templo, at sabihin ninyo sa bayan ang (AX)lahat ng mga salita ng Buhay na ito.
21 At nang marinig nila ito, ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway, at nangagturo. Datapuwa't dumating ang dakilang saserdote, at ang mga kasamahan niya, at pinulong ang sanedrin, at (AY)ang buong senado sa mga anak ni Israel, at nagpautos sa bilangguan upang sila'y dalhin doon.
22 Datapuwa't ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan; at sila'y nangagbalik, at nangagbigay alam,
23 Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob.
24 Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at (AZ)ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon.
25 At may dumating na isa at nagsabi sa kanila, Narito, ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan.
26 Nang magkagayo'y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal, at sila'y dinalang hindi sa pilitan: (BA)sapagka't nangatatakot sa bayan, baka sila'y batuhin.
27 At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote,
28 Na sinasabi: (BB)Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, (BC)at ibig ninyong iparatang sa amin (BD)ang dugo ng taong ito.
29 Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, (BE)Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.
30 (BF)Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy.
31 Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay (BG)upang maging Principe at (BH)Tagapagligtas, (BI)upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at (BJ)kapatawaran ng mga kasalanan.
32 At (BK)kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, (BL)na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya.
33 Datapuwa't sila, nang kanilang marinig ito, ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin.
34 Datapuwa't nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo, na nagngangalang (BM)Gamaliel, doktor sa kautusan, na pinapupurihan ng buong bayan, at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao.
35 At sinabi niya sa kanila, Kayong mga lalaking taga Israel, ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito, kung ano ang inyong gagawin.
36 Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.
37 Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng (BN)pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.
38 At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:
39 Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan (BO)na nangakikihamok laban sa Dios.
40 At sila'y nagsisangayon sa kaniya: at (BP)pagkatawag nila sa mga apostol, ay (BQ)pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila'y pinawalan.
41 Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, (BR)na nangatutuwang sila'y (BS)nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan.
42 At sa araw-araw, (BT)sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo.
6 Nang mga araw ngang ito, (BU)nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga (BV)Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan (BW)sa pamamahagi sa araw-araw.
2 At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang.
3 Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, (BX)ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito.
4 Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita.
5 At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, (BY)taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, (BZ)at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga (CA)Antioquia (CB)na naging Judio;
6 Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y (CC)mangakapanalangin na, ay (CD)ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon.
7 At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming (CE)saserdote.
8 At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao.
9 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.
10 At (CF)hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap.
11 Nang magkagayo'y nagsisuhol sila (CG)sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.
12 At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin,
13 At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan:
14 Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay (CH)iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises.
15 At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978