Chronological
22 Malapit na nga ang (A)pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua.
2 At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya; sapagka't nangatatakot sila sa bayan.
3 At (B)pumasok (C)si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.
4 At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga (D)punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.
5 At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.
6 At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, (E)nang hindi kaharap ang karamihan.
7 (F)At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kinakailangang ihain ang paskua.
8 At sinugo niya si Pedro at si Juan, na sinasabi, Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin, upang tayo'y magsikain.
9 At kanilang sinabi sa kaniya, Saan mo ibig na aming ihanda?
10 At kaniyang sinabi sa kanila, Narito, pagpasok ninyo sa bayan, ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan.
11 At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro sa iyo, Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?
12 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan: doon ninyo ihanda.
13 At nagsiparoon sila, at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua.
14 At nang dumating ang oras, ay (G)naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya.
15 At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap:
16 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, (H)hanggang sa ito'y maganap (I)sa kaharian ng Dios.
17 At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin:
18 Sapagka't sinasabi ko (J)sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios.
19 At siya'y dumampot ng tinapay, (K)at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.
21 Datapuwa't (L)narito, ang kamay ng nagkakanulo sa akin, ay kasalo ko sa dulang.
22 Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya!
23 At sila'y nagpasimulang nangagtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
24 At nagkaroon naman (M)ng isang pagtatalotalo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila.
25 At kaniyang sinabi sa kanila, (N)Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila; at ang mga may kapamahalaan sa kanila'y tinatawag na mga Tagapagpala.
26 Datapuwa't sa inyo'y hindi gayon: (O)kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya (P)ng naglilingkod.
27 Sapagka't alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa't ako'y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod.
28 Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin (Q)sa mga pagtukso sa akin;
29 At kayo'y inihahalal kong (R)isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,
30 (S)Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; (T)at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.
31 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni (U)Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:
32 Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik (V)ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung (W)makapagbalik ka nang muli, ay (X)papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.
33 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at (Y)sa kamatayan.
34 At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, (Z)Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.
35 At sinabi niya sa kanila, (AA)Nang kayo'y suguin ko na walang (AB)supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi.
36 At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak.
37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, (AC)At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may (AD)katuparan.
38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.
39 At siya'y lumabas, (AE)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.
40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (AF)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.
41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,
42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.
43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.
44 At nang siya'y nanglulumo ay (AG)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.
45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,
46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (AH)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.
47 (AI)Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.
48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?
49 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami (AJ)ng tabak?
50 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.
51 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggan dito. At (AK)hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.
52 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga (AL)punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?
53 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang (AM)inyong oras, at (AN)ang kapangyarihan ng kadiliman.
54 At kanilang dinakip siya, at (AO)dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. (AP)Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro.
55 (AQ)At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng (AR)looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila.
56 At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya.
57 Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala.
58 At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.
59 At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo.
60 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok.
61 At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, (AS)Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.
62 At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.
63 (AT)At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay.
64 At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas?
65 At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.
66 At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,
67 Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:
68 At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.
69 Datapuwa't (AU)magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.
70 At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang (AV)Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi (AW)na ako nga.
71 At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.
13 Bago nga (A)magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya (B)na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan.
2 At habang humahapon, nang mailagay na (C)ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya.
3 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,
4 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.
5 Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis.
6 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?
7 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.
8 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, (D)Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.
9 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, (E)Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.
10 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat.
11 Sapagka't (F)nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.
12 Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?
13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.
14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, (G)kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.
15 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng (H)halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
16 Katotohanan, (I)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.
17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.
18 (J)Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, (K)Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
19 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo (L)bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya (M)na ako nga.
20 Katotohanan, (N)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.
21 Nang masabing gayon ni Jesus, (O)siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, (P)Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.
22 Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita.
23 Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, (Q)na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.
24 Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya.
25 Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon?
26 Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at (R)ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.
27 At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay (S)pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.
28 Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito.
29 Sapagka't iniisip ng ilan, na (T)sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan (U)sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha.
30 Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.
31 Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay (V)niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang (W)Dios ay niluluwalhati sa kaniya:
32 At luluwalhatiin siya ng (X)Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya.
33 Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at (Y)gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon.
34 (Z)isang bagong utos ang (AA)sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.
35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao (AB)na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.
36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, (AC)saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: (AD)nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.
37 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? (AE)Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.
38 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok (AF)ang manok, (AG)hanggang ikaila mo akong makaitlo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978