Chronological
1 Si Pablo, na (A)tinawag na maging apostol ni Jesucristo (B)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at (C)si Sostenes na ating kapatid,
2 Sa iglesia ng Dios na nasa (D)Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na (E)tinawag na (F)mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na (G)ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
4 (H)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
5 Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay (I)sa lahat ng pananalita at (J)sa lahat ng kaalaman;
6 Gaya ng pinagtibay sa inyo (K)ang patotoo ni Cristo:
7 Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; (L)na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;
8 Na siya namang magpapatibay (M)sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan (N)sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.
9 Ang Dios ay (O)tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa (P)pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.
10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita (Q)ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
12 Ibig ko ngang sabihin ito, na (R)ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay (S)Apolos; at ako'y kay (T)Cefas; at ako'y kay Cristo.
13 Nabahagi baga si Cristo? (U)ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o (V)binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?
14 Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan (W)ang sinoman sa inyo, maliban (X)si Crispo at si (Y)Gayo;
15 Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko.
16 At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni (Z)Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.
17 Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: (AA)hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.
18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (AB)nangapapahamak; nguni't (AC)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (AD)nangaliligtas.
19 Sapagka't nasusulat,
(AE)Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong,
At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (AF)sa sanglibutang ito? hindi baga (AG)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?
21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.
22 (AH)Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:
23 Datapuwa't ang (AI)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (AJ)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (AK)kapangyarihan ng Dios, at (AL)ang karunungan ng Dios.
25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
26 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y (AM)pagkatawag, mga kapatid, na (AN)hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
27 Kundi pinili ng Dios (AO)ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, (AP)oo at ang mga bagay na walang halaga (AQ)upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
29 Upang walang (AR)laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
30 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang (AS)karunungang mula sa Dios, at (AT)katuwiran at (AU)kabanalan, (AV)at katubusan:
31 Na, ayon sa nasusulat, (AW)Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.
2 At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay (AX)hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo (AY)ng patotoo ng Dios.
2 Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, (AZ)maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.
3 At ako'y nakisama sa inyo (BA)na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig.
4 At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi (BB)sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:
5 Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi (BC)sa kapangyarihan ng Dios.
6 Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan (BD)sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan (BE)ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:
7 Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, (BF)yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:
8 (BG)Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't (BH)kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang (BI)Panginoon ng kaluwalhatian:
9 Datapuwa't gaya ng nasusulat,
(BJ)Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga,
Ni hindi pumasok sa puso ng tao,
Anomang mga bagay na (BK)inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin (BL)ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.
11 Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na (BM)ng Espiritu ng Dios.
12 Nguni't (BN)ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.
13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, (BO)hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na (BP)iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.
14 Nguni't ang (BQ)taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: (BR)sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at (BS)hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.
15 Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman.
16 Sapagka't (BT)sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya? Datapuwa't (BU)nasa atin ang pagiisip ni Cristo.
3 At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa (BV)espiritu, kundi tulad sa mga nasa (BW)laman, tulad sa (BX)mga sanggol kay Cristo.
2 Kinandili ko kayo ng (BY)gatas, at hindi ng lamang-kati; (BZ)sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;
3 Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at (CA)mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?
4 Sapagka't kung sinasabi ng isa, (CB)Ako'y kay Pablo; at ng iba, (CC)Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?
5 Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? (CD)Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa (CE)ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon (CF)sa kaniya.
6 Ako ang (CG)nagtanim, (CH)si Apolos ang nagdilig; (CI)nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.
7 Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.
8 Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang (CJ)bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.
9 Sapagka't (CK)tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, (CL)ang gusali ng Dios.
10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, (CM)na ito'y si Cristo Jesus.
12 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
13 Ang gawa (CN)ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't (CO)ang araw (CP)ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.
14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.
15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, (CQ)ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y (CR)tulad sa pamamagitan ng apoy.
16 Hindi baga ninyo nalalaman (CS)na kayo'y templo ng Dios, at (CT)ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
18 Sinoma'y huwag (CU)magdaya sa kaniyang sarili. (CV)Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang (CW)ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.
19 Sapagka't ang (CX)karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, (CY)Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:
20 At muli, (CZ)Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.
21 Kaya't (DA)huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.
22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si (DB)Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit (DC)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; (DD)lahat ay sa inyo:
23 At (DE)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na (DF)mga ministro ni Cristo, (DG)at mga katiwala ng (DH)mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (DI)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (DJ)siyasatin ninyo, o ng (DK)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
4 Sapagka't (DL)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (DM)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya nga (DN)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay (DO)inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; (DP)upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? (DQ)at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga mangmang dahil (DR)kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; (DS)kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito'y (DT)nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
12 At (DU)kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: (DV)bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; (DW)bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong (DX)tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (DY)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, (DZ)na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si (EA)Timoteo, (EB)na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, (EC)gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
19 Nguni't ako'y paririyan (ED)agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
20 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Anong ibig ninyo? (EE)paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978