Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 11-12

11 Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga (A)kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios.

At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, (B)ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli,

Na nagsisipagsabi, (C)Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila.

Datapuwa't si Pedro ay nagpasimula, at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi,

Ako'y nananalangin sa bayan ng (D)Joppe: at sa kawalan ng diwa'y nakakita ako ng isang pangitain, na may isang sisidlang bumababa, na gaya ng isang malapad na kumot, na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok; at dumating hanggang sa akin:

At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit.

At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.

Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal.

Nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.

10 At ito'y nangyaring makaitlo: at muling binatak ang lahat sa langit.

11 At narito, pagdaka'y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan, ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea.

12 At iniutos sa akin ng Espiritu na ako'y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin (E)itong anim na kapatid; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon:

13 At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay, at nagsasabi, Magsugo ka sa Joppe, at ipagsama mo si Simon, na may pamagat na Pedro;

14 Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita, na ikaliligtas mo, ikaw (F)at ng buong sangbahayan mo.

15 At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya (G)naman ng pagbaba sa atin nang una.

16 At (H)naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na (I)si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo.

17 (J)Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?

18 At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, (K)Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil (L)ng pagsisisi sa ikabubuhay.

19 (M)Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa (N)Fenicia, at sa (O)Chipre, at sa (P)Antioquia, na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang.

20 Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at (Q)taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga (R)Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus.

21 At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya (S)ay nangagbalik-loob sa Panginoon.

22 At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si (T)Bernabe hanggang sa Antioquia:

23 Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; (U)at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:

24 Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.

25 At siya'y naparoon sa (V)Tarso upang hanapin si Saulo;

26 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa (W)Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga (X)Cristiano, sa Antioquia.

27 Nang mga araw ngang ito ay may (Y)lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem.

28 At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang (Z)Agabo, at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan: na nangyari nang mga kaarawan ni (AA)Claudio.

29 At ang mga alagad, ayon sa kaya ng bawa't isa, ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga (AB)kapatid na nangananahan sa Judea:

30 Na siya nga nilang ginawa, na ipinadala nila (AC)sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo.

12 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.

At pinatay niya sa tabak si (AD)Santiago na kapatid ni Juan.

At (AE)nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.

At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na (AF)tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos (AG)ng Paskua.

Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't (AH)ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.

At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.

At narito, tumayo sa tabi niya (AI)ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.

At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.

At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.

10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; (AJ)na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.

11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga (AK)Judio.

12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni (AL)Juan na may pamagat na (AM)Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon (AN)at nagsisipanalangin.

13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.

14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.

15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na (AO)yao'y kaniyang anghel.

16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.

17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay (AP)Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.

18 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro.

19 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.

20 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.

21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa (AQ)luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.

22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.

23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.

24 Datapuwa't lumago (AR)ang salita ng Dios at dumami.

25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, (AS)nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si (AT)Juan na may pamagat na Marcos.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978