Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Beginning

Read the Bible from start to finish, from Genesis to Revelation.
Duration: 365 days
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Version
1 Cronica 3-5

Ang Angkan ni David

Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel. Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit. Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla. Anim(A) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. Doo'y(B) apat ang naging anak niya kay Batsheba[a] na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet, Noga, Nefeg, Jafia, Elisama, Eliada at Elifelet. Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.

Ang Angkan ni Haring Solomon

10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat. 11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas. 12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases. 14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias. 15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.

Ang Angkan ni Haring Jeconias

17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias. 19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit. 20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.

21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias. 22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat. 23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam. 24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.

Ang Lipi ni Juda

Kabilang ang mga ito sa mga anak ni Juda: sina Peres, Hezron, Carmi, Hur at Sobal. Anak ni Sobal si Reaias na ama ni Jahat. Anak naman ni Jahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang angkan ng mga Zorita.

3-4 Si Hur ang panganay ni Efrata na asawa ni Caleb at ang kanyang mga apo ang nagtatag ng lunsod ng Bethlehem. Tatlo ang anak na lalaki ni Hur: sina Etam, Penuel, at Ezer. Ang mga anak na lalaki[b] naman ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Hazzelelponi ang pangalan ng kapatid nilang babae. Si Penuel ang nagtatag ng lunsod ng Gedor, at si Ezer naman ang nagtatag ng Husa.

Si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. Naging anak ni Asur kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari. Naging anak naman niya kay Hela sina Zeret, Izar at Etnan. Si Coz ang ama ni Anub at Zobeba, at ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.

Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes[c] ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.” 10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.

Iba pang Listahan ng mga Angkan

11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston. 12 Si Eston ang ama nina Beth-rafa, Pasea at Tehina na siyang nagtatag ng lunsod ng Nahas. Ang mga apo nila ang nanirahan sa Reca.

13 Mga anak ni Kenaz sina Otniel at Seraias, at mga anak naman ni Otniel sina Hatat at Meonotai. 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra, at si Seraias naman ang ama ni Joab na nagtatag ng Libis ng mga Panday, sapagkat ang mga nakatira roon ay mga panday. 15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak naman ni Ela ay si Kenaz. 16 Mga anak naman ni Jehalelel sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.

17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Ang mga anak ni Mered kay Bitia na anak ng Faraon ay sina Miriam, Samai at Isba na siyang nagtatag ng Estemoa. 18 Sa asawa naman niyang taga-Juda, naging anak ni Mered si Jered na nagtatag ng Gedor, si Heber na nagtatag ng Soco at si Jecutiel na nagtatag ng Zanoa. 19 Ang pinagmulan ng mga Garmita na nanirahan sa Keila at ng mga Maacateo na nanirahan sa Estemoa ay ang mga anak ni Hodias sa asawa na kapatid na babae ni Naham. 20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Mga anak naman ni Isi sina Zohet at Ben-zohet.

Ang Angkan ni Sela

21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda ay sina Er na nagtatag ng Leca, si Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang humahabi ng telang lino sa Beth-asbea. 22 Siya rin ang ama ni Joquim, at ng mga taga-Cozeba, gayundin nina Joas at Saraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik at nanirahan sa Bethlehem. (Napakatagal na ang mga pangyayaring ito.) 23 Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.

Ang Lipi ni Simeon

24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul. 25 Anak ni Saul si Sallum, at apo niya si Mibsan. Anak naman ni Mibsan si Misma. 26 Mga anak ni Misma sina Hamuel, Zacur at Simei. 27 Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit kaunti lamang ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.

28 Ito(C) ang mga lunsod na tinirhan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Bethuel, Horma, Ziklag, 31 Beth-marcabot, Hazar-susim, Beth-biri, at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David. 32 Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan, 33 pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa bayan ng Baalat. Ito ang talaan na kanilang iniingatan tungkol sa kanilang mga angkan at mga lugar na kanilang tinirhan. Habang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.

34-38 Ito ang mga naging pinuno ng kanilang mga angkan: Mesobab, Jamlec at Josa na anak ni Amazias; sina Joel at Jehu na mga anak ni Josibias na anak ni Seraias na anak naman ni Asiel; sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, at Benaias. Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak naman ni Semaias.

Patuloy sa paglaki ang kanilang mga angkan, 39 kaya't kumalat sila sa dakong silangan, at sa paghahanap ng pastulan ay umabot sila hanggang sa kapatagan ng Gedor. 40 Nakatagpo sila ng magandang pastulan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa lugar na iyon. 41 Ang nabanggit na angkang ito ni Simeon ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Ezequias sa Juda. Winasak nila ang lugar na iyon, nilipol ang mga Meunim na naroon at sila ang tumira, sapagkat maganda ang pastulan doon. 42 Sa mga sumalakay na ito, limandaan pang tauhan ni Simeon ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, mga anak ni Isi. 43 Nilipol nila ang mga natirang Amalekita na tumakas patungo roon. Hanggang ngayo'y sila ang nakatira doon.

Ang Lipi ni Ruben

Ito(D) ang mga anak ni Ruben, ang panganay ni Jacob. (Kahit na siya'y panganay, inalisan siya ng karapatan ng pagkapanganay sapagkat dinungisan niya ang dangal ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa mga anak ni Jose, na anak ni Jacob. Bagama't(E) ang lipi ni Juda ang kinilalang pangunahin sa magkakapatid at isang pinuno ang nagmula sa kanya, ang karapatan ng pagkapanganay ay iginawad kay Jose.) Ang mga anak ni Ruben ay sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.

Anak ni Joel si Semaias na ama ni Gog. Anak ni Gog si Simei na ama ni Mica. Anak ni Mica si Reaias na ama ni Baal. Anak(F) ni Baal si Beera, ang pinuno ng mga Rubenita na dinalang-bihag ni Tiglat-pileser sa Asiria. Ito ang listahan ng mga sambahayan at angkang nagmula sa lipi ni Ruben: ang mga pinunong sina Jeiel, Zacarias, at Bela na anak ni Azaz at apo ni Sema mula sa angkan ni Joel. Ang angkang ito ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon. Dahil marami silang kawan sa lupain ng Gilead, tumira rin sila sa gawing silangan hanggang sa tabi ng ilang na ang dulo ay nasa Ilog Eufrates.

10 Noong panahon ni Haring Saul, sinalakay at tinalo ng mga Rubenita ang mga Hagrita, at tumira sila sa lupain ng mga ito sa silangang panig ng Gilead.

Ang Lipi ni Gad

11 Sa dakong hilaga ni Ruben nanirahan ang mga anak ni Gad, mula sa lupain ng Bashan hanggang Saleca. 12 Sa Bashan, ang pinuno ng unang angkan ay si Joel, at si Safam naman ang sa pangalawang angkan. Sina Janai at Safat ay mga pinuno rin ng iba pang angkan doon. 13 Kabilang pa rin sa lipi ni Gad sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber. Ang pitong ito 14 ay mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead at apo ni Micael na anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jahdo at apo ni Buz. 15 Ang kanilang pinuno ay si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni. 16 Nanirahan ang mga ito sa mga bayang sakop ng Bashan at Gilead hanggang sa malawak na pastulan ng Saron. 17 Ang mga talaang ito ay isinaayos nang si Jotam ay hari ng Juda, at si Jeroboam naman ang hari sa Israel.

18 Matatapang ang mga kawal ng mga lipi nina Ruben at Gad, gayundin ng kalahating lipi ni Manases. Sila'y mga sanay na mandirigma; bihasa sa paggamit ng kalasag, tabak, at pana. Binubuo sila ng 44,760 kawal. 19 Nakipagdigma sila laban sa mga Hagrita, Jetur, Nafis at Nodab. 20 Nagtitiwala sila sa Diyos at laging nananalangin sa kanya. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Dahil dito'y nalupig nila ang kanilang mga kaaway. 21 Ito ang nasamsam nilang hayop: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. May 100,000 kawal naman ang kanilang nabihag. 22 Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, sapagkat ang Diyos ang nanguna sa kanila. Patuloy silang nanirahan sa lupaing iyon hanggang sa sila'y dalhing-bihag sa ibang bansa.

Kalahati ng Lipi ni Manases

23 Ang kalahating lipi ni Manases ay napakarami. Kumalat sila sa iba't ibang lupain mula sa Bashan, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga angkan: sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga tanyag na pinuno ng kani-kanilang angkan.

25 Ngunit ang mga liping ito ay hindi nanatiling tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan ng mga bansang pinalayas ng Diyos. 26 Kaya't(G) inudyukan ng Diyos ng Israel si haring Pul ng Asiria, na tinatawag ding Tiglat-Pileser, na salakayin ang Israel. Binihag nito ang mga Rubenita, Gadita at ang kalahating lipi ni Manases. Dinala sila sa Hala, Habor, Hara at sa tabi ng Ilog Gozan.

Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.