Beginning
Ang Handog ng Babaeng Balo
21 Sa kaniyang pagtingala, nakita ni Jesus ang mga mayayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman.
2 Nakita rin niya ang isangdukhang balo na naghuhulog doon ng dalawang sentimos. 3 Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat. 4 Ito ay sapagkat mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat niyang kabuhayan. Ang mga mayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa mga labis nila.
Mga Tanda sa Huling Panahon
5 Habang ang ilan ay nag-uusap patungkol sa templo, na itoay nagagayakan ng mga naggagandahang bato at mga kaloob, sinabi ni Jesus:
6 Darating ang mga araw na ang mga bagay na inyong nakikita ay gigibain. Walang maiiwang bato na nakapatong sa bato na hindi babagsak.
7 Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na mangyayari na ang mga bagay na ito?
8 Sinabi niya: Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa pangalan ko. Kanilang sasabihin: Ako ang Mesiyas at ang oras ay malapit na. Huwag nga kayong sumunod sa kanila. 9 Kapag kayo ay nakarinig ng mga digmaan at himagsikan, huwag kayong masindak sapagkat ang mga bagay na ito ay dapat munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi agad mangyayari.
10 Pagkatapos nito sinabi niya sa kanila: Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang paghahari laban sa paghahari. 11 Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa iba’t ibang dako. Magkakaroon ng taggutom at salot. Magkakaroon ng mga nakakatakot na mga pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit.
12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, huhulihin nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan. Ihaharap nila kayo sa mga hari at gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Ngunit ito ay magiging isang pagkakataon ng inyong pagpapatotoo. 14 Ilagay nga ninyo sa inyong mga puso na huwag paghandaan ang pagtatanggol. 15 Ito ay sapagkat bibigyan ko kayo ng kapangyarihang magsalita at ng karunungan. Sa pamamagitan nito ay hindi makakasagot ni makakatanggi ang lahat ng mga kumakalaban sa inyo. 16 Ngunit kayo ay ipagkakanulo maging ng mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan. Papatayin nila ang ilan sa inyo. 17 Kayo ay kapopootan ng lahat ng dahil sa aking pangalan. 18 Kailanman ay hindi mawawala ang isa mang buhok sa inyong ulo. 19 Sa pamamagitan ng inyong matiyagang pagtitiis, tatamuhin ninyo ang inyong buhay.
20 Alamin ninyo na ang kapanglawan ng Jerusalem ay malapit na. Ito ay kapag nakita ninyong siya ay napalibutan ng mga hukbo. 21 Pagkatapos nito, sila na nasa Judea ay tatakas patungo sa mga bundok. Sila nanasa kaniyang kalagitnaan ay lalabas. Sila na nasa mga lalawigan ay huwag nang hayaang pumasok sa kaniya. 22 Ito ay sapagkat sa mga araw ng paghihiganti ay magaganap ang lahat ng mga bagay na isinulat. 23 Ngunit sa aba ng mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon sapagkat magkakaroon ng malaking kaguluhan sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng poot sa mga taong ito. 24 Sila ay babagsak sa talim ng tabak. Sila ay magiging bihag sa lahat ng mga bansa. At ang Jerusalem ayyuyurakan ng mga Gentil hanggang maganap ang panahon ng mga Gentil.
25 Magkakaroon ng mga tanda sa araw, at sa buwan at sa mga bituin. Sa ibabaw ng lupa ay magkakaroon ng kabalisahan ng mga bansa na may pagkalito. Magkakaroon ng malakas na ugong ng daluyong at ng dagat. 26 Panghihinaan ng loob ang mga lalaki dahil sa takot at sa paghihintay roon sa daratingsa daigdig sapagkat ang kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig. 27 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, itingala ninyo ang inyong mga ulo at tumingin sa itaas sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.
29 Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila:Narito, ang puno ng igos at lahat ng mga punong-kahoy. 30 Kapag sumibol na sila, makikita ninyo at malalaman na ang tag-init ay malapit na. 31 Gayundin kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito na nangyari na, alam ninyong ang paghahari ng Diyos ay malapit na.
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat. 33 Ang langit at lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita kailanman ay hindi lilipas.
Ang Katupaaran ng Kautusan
34 Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili baka mapuno anginyong mga puso ng ugali ng pagkalango at paglalasing at pagkabalisa sa buhay na ito. At bigla kayong datnan ng araw na iyon.
35 Ito ay sapagkat tulad sa bitag, ito ay darating sa kanilang lahat nanananahan sa buong daigdig. 36 Magbantay nga kayo at laging manalangin. Ito ay upang kayo ay maibilang na karapat-dapat na makaligtas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari. Ito rin ay upang kayo ay makatayo sa harap ng Anak ng Tao.
37 Kung araw, si Jesus ay nagtuturo sa templo. At kung gabi, siya ay lumalabas upang magpalipas ng gabi sa bundok na tinatawag na bundok ng mga Olibo. 38 Kinaumagahan, ang lahat ng tao ay pumunta sa kaniya roon sa templo upang makinig.
Nakipagkasundo si Judas na Ipagkanulo si Jesus
22 Nalalapit na ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paglagpas.
2 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay humahanap ng paraan kung papaano nila maipapatay si Jesus sapagkat natatakot sila sa mga tao. 3 Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad. 4 Umalis siya at nakipag-usap sa mga pinunong-saserdote at sa mga opisyales ng mga tanod sa templo kung papaano niya maipagkakanulo si Jesus sa kanila. 5 Nagalak sila at nagkasundong bigyan siya ng salapi. 6 Nangako siya at naghanap ngpagkakataong maipagkanulo si Jesus sa kanila na malayo sa mga tao.
Ang Huling Hapunan
7 Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kinakailangan na sa araw na iyon ay kakatay ng batang tupa ng Paglagpas.
8 Sinugo ni Jesus si Pedro at si Juan at kaniyang sinabi: Umalis kayo at maghanda kayo ng hapunan ng Paglagpas upang tayo ay makakain.
9 Ngunit sinabi nila sa kaniya: Saan mo kami nais maghanda?
10 Sinabi niya sa kanila: Narito, sa pagkapasok ninyo sa lungsod, masasalubong ninyo ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kaniyang papasukan. 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay: Ipinasasabi sa iyo ng guro: Saan ang silid na pampanauhin na doon ay makakakain ako ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mgaalagad? 12 Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas namay mga kagamitan. Doon kayo maghanda.
13 Umalis sila at kanilang nasumpungan ang lahat tulad ng sinabi sa kanila. Naghanda sila ng hapunan ng Paglagpas.
14 Nang dumating ang oras, dumulog si Jesus sa hapag-kainan kasama ang kaniyang labindalawang apostol. 15 Sinabi niya sa kanila: Mahigipit kong hinangad na kumain ng hapunan ng Paglagpas na kasama kayo bago ako maghirap. 16 Sinasabi ko ito sa inyo dahil hindi na ako kakain nito hanggang ito ay maganap sa paghahari ng Diyos.
17 Pagkatanggap niya ng isang saro, nagpasalamat siya at sinabi: Kunin ninyo ito at paghati-hatian ninyo. 18 Sinasabi ko ito sa inyo dahil hindi na ako iinom ng bunga ng ubas hanggang dumating ang paghahari ng Diyos.
19 Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.
20 Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo. 21 Bukod dito, narito, ang mga kamay ng magkakanulo sa akin ay kasama ko sa hapag. 22 Tunay na ang Anak ng Tao ay humahayo ayon sa itinakda. Ngunit sa aba ng taong iyon na magkakanulo sa akin. 23 Nagsimula silang magtanungan sa isa’t isa kung sino kaya sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
24 Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila. 25 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang mga hari ng mga Gentil ay naghahari sa kanila. Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti. 26 Ngunit hindi gayon sa inyo. Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata. Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod. 27 Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila, ang nakadulog ba o ang naglilingkod? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod. 28 Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok. 29 Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari. Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo. 30 Inilaan ko ito upang kayo ay makakain at makainom sa aking dulang sa aking paghahari. Inilaan ko ito upang kayo ay makaupo sa mga trono na hinahatulan ang labindalawang lipi ni Israel.
31 Sinabi ng Panginoon: Simon, Simon, narito, ikaw ay hinihingi ni Satanas sa akin upang salain tulad ng trigo. 32 Ngunit ipinanalangin na kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. Kapag ikaw ay nagbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid.
33 Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, ako ay nakahandang mabilanggo at mamatay kasama mo.
34 Sinabi ni Jesus: Sinasabi ko sa iyo, Pedro: Ipagkakaila mo nang tatlong ulit na kilala mo ako bago tumilaok ang tandang.
35 Sinabi niya sa kanila: Isinugo ko kayong walang dalang kalupi, bayong at panyapak. Nang isinugo ko kayo, nagkulang ba kayo ng anumang bagay?
Sinabi nila: Wala kaming naging kakulangan.
36 Sinabi nga niya sa kanila: Ngayon, siya na may kalupi ay hayaang magdala niyon. Ang may bayong ay gayundin. Siya na walang tabak ay ipagbili niya ang kaniyang damit at bumili ng tabak. 37 Nasusulat:
At siya ay ibinilang sa mga walang kinikilalang kautusan ng Diyos.
Sinasabi ko sa inyo: Ang nasusulat na ito ay kailangan pang maganap sa akin sapagkat ang mga bagay patungkol sa akin ay magaganap na.
38 Sinabi ng mga alagad: Panginoon. Narito, may dalawang tabak dito.
Sinabi niya sa kanila:Sapat na iyan.
Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo
39 Umalis si Jesus at ayon sa kaniyang kinaugalian ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. Sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.
40 Pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila: Manalangin kayo na huwag kayong mapasok sa tukso. 41 Humiwalay siya sa kanila na ang layo ay maaabot ng pukol ng bato at siya ay lumuhod at nanalangin. 42 Kaniyang sinabi: Ama, kung nanaisin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban mo ang mangyari. 43 Nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit. Pinalalakas siya nito. 44 Sa matindi niyang pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim. Ang pawis niya ay naging tulad ng patak ng dugo na pumapatak sa lupa.
45 Pagkatapos niyang manalangin, tumindig siya. Sa pagpunta niya sa kaniyang mga alagad, nasumpungan niya silang natutulog dahil sa kalumbayan. 46 Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso.
Dinakip Nila si Jesus
47 Habang nagsasalita pa siya, narito, dumating ang maraming tao. Siya na tinatawag na Judas, isa sa labindalawang alagad, ay nauuna sa kanila. Lumapit siya kay Jesusupang halikan siya.
48 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Judas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao?
49 Nakita ng mga nasa palibot niya kung ano ang mangyayari. Dahil dito sinabi nila: Panginoon, mananaga ba kami? 50 Tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang kanang tainga nito.
51 Sumagot si Jesus: Tigil! Tama na ang mga ito. Hinipo ni Jesus sa tainga ang alipin at pinagaling niya ito.
52 Ang mga dumating laban sa kaniya ay ang mga pinunong-saserdote, mga tanod sa templo at mga matanda. Sinabi niya sa mga ito: Lumabas ba kayong may mga tabak at pamalo gaya ng laban sa isang tulisan? 53 Nang kasama ninyo ako sa templo araw-araw, hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin. Subalit ang oras na ito ay sa inyo at ang kapamahalaan ng kadiliman.
Ipinagkaila ni Pedro si Jesus
54 Pagkahuli nila sa kaniya, isinama nila siya sa bahay ng pinakapunong-saserdote. Si Pedro ay sumusunod mula sa di-kalayuan.
55 Sa gitna ng patyo sila ay nagsiga. Pagkatapos nito, sama-sama silang umupo,kasama si Pedro. 56 Isang utusang babae ang nakakita kay Pedro na nakaupo malapit sa apoy. Pinagmasdan niyang mabuti si Pedro. Sinabi niya: Ang isang ito ay kasama niya.
57 Ipinagkaila ni Pedro si Jesus. Sinabi niya: Babae, hindi ko siya kilala.
58 Pagkalipas ng ilang sandali, may isa pang nakakita sa kaniya. Sinabi niya: Ikaw ay kasama nila.
Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi nila ako kasama.
59 Pagkalipas nang may isang oras, may isa pang mariing nagsalita. Sinabi niya: Totoong ang isang ito ay kasama rin niya dahil siya ay isa ring taga-Galilea.
60 Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo. Habang siya ay nagsasalita pa, tumilaok ang tandang. 61 Sa paglingon ng Panginoon,tiningnan niya si Pedro at naala-ala ni Pedro ang salita ng Panginoon kung papaanong sinabi sa kaniya: Bago tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo akong ikakaila. 62 Sa paglabas ni Pedro, tumangis siya nang buong kapaitan.
Nilibak ng mga Kawal si Jesus
63 Si Jesus ay nilibak at hinagupit ng mga lalaking humuli sa kaniya.
64 Sa pagpiring nila sa kaniya ay sinampal nila siya at tinatanong siya: Ihayag mo, sino ang sumampal sa iyo? 65 Sinabi nila sa kaniya sa mapamusong na pamamaran ang marami pang mga bagay.
Si Jesus sa Harap ng Sanhedrin
66 Nang mag-uumaga na, sama-samang nagkakatipun-tipon ang mga matanda sa mga tao, maging ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Dinala nila si Jesus sa kanilang Sanhedrin.
67 Sinabi nila: Kung ikaw ang Mesiyas, sabihin mo sa amin.
Sinabi niya sa kanila: Kung sasabihin ko sa inyo, kailanman ay hindi kayo maniniwala.
68 Kung magtatanong din ako sa inyo, hindi ninyo ako sasagutin ni palalayain. 69 Mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.
70 Sinabi nilang lahat: Kung gayon, ikaw nga ba ang Anak ng Diyos?
Sinabi niya sa kanila: Tama ang iyong sinasabi na ako nga.
71 Sinabi nila: Hindi ba, hindi na natin kailangan ang saksi sapagkat tayo na ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?
Copyright © 1998 by Bibles International