Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(A)Matibay na moog sa kaaway.
4 (B)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 (C)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (D)at katotohanan, upang mapalagi siya.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(E)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.
62 Sa (F)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (G)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(H)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4 Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (I)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (J)hindi ako makikilos.
7 (K)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
8 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(L)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9 (M)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(N)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (O)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(P)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (Q)kagandahang-loob:
Sapagka't (R)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.
68 Bumangon nawa ang (A)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
2 (B)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(C)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
3 Nguni't mangatuwa (D)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
4 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(E)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(F)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
5 (G)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
6 Pinapagmamaganak (H)ng Dios ang mga nagiisa:
(I)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (J)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
7 Oh Dios, (K)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
8 (L)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (M)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
9 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12 Mga hari ng mga hukbo ay (N)nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
(O)At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 (P)Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
(Q)Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa (R)Salmon.
15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
(S)Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 (T)Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 (U)Sumampa ka sa mataas, (V)pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga (W)kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At (X)kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 (Y)Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22 Sinabi ng Panginoon, (Z)Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 (AA)Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
(AB)Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 (AC)Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
(AD)Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng (AE)lahi ng Israel.
27 Doo'y (AF)ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28 Ang Dios mo'y (AG)nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
(AH)Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31 Mga pangulo ay (AI)magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang (AJ)Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (AK)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (AL)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.
14 May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; (A)na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan.
15 Nang magkagayo'y (B)pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.
Ang hiwaga ng mga gawa ng Panginoon.
16 Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, (C)at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata:)
17 Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas (D)ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman (E)hindi rin niya masusumpungan.
Ang hiwaga ng mga gawa ng Panginoon.
9 Sapagka't lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso, upang siyasatin ang lahat ng ito; (F)na ang matuwid, at ang pantas, at ang kanilang mga gawa, ay nangasa kamay ng Dios: maging pagibig o pagtatanim hindi nalalaman ng tao; lahat ay nangasa harap nila.
2 Lahat ng mga bagay ay (G)nagsisidating na parapara sa lahat: (H)may isang pangyayari sa matuwid at sa masama; sa mabuti, at sa malinis, at sa marumi; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain: kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa, gaya ng natatakot sa sumpa.
3 Ito'y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw, na may isang pangyayari sa lahat: oo, gayon din, ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay.
4 Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buháy na aso ay maigi kay sa patay na leon.
5 Sapagka't nalalaman ng mga buháy, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman (I)ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala (J)sa kanila ay nakalimutan.
6 Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.
7 Yumaon ka ng iyong lakad, (K)kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka't tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa.
8 Maging maputing lagi ang iyong mga suot; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo.
9 Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: (L)sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.
10 Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.
21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?
22 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, (A)ang isa'y sa aliping babae, at (B)ang isa'y sa babaing malaya.
23 Gayon man (C)ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't (D)ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga (E)anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.
25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa (F)Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26 Nguni't ang (G)Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.
27 Sapagka't nasusulat,
(H)Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak;
Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak:
Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
28 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay (I)mga anak sa pangako.
29 Datapuwa't kung papaanong yaong (J)ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.
30 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? (K)Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
29 At umalis si Jesus doon, at (A)naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:
31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
32 At pinalapit ni (B)Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, (C)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; (D)at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39 At (E)pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng (F)Magdala.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978