Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 33

Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.

33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
(C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
(D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
(F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
(G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (K)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (L)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (M)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (N)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(O)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (P)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.

Exodo 19:3-8

At si Moises ay lumapit sa Dios, (A)at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel.

Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, (B)at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.

(C)Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, (D)ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;

At kayo'y magiging isang (E)kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang (F)banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya.

At (G)ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.

Exodo 19:16-20

16 At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na (A)kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang (B)tunog ng pakakak ay napakalakas; (C)at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.

17 (D)At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.

18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na (E)nasa apoy: (F)at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, (G)at ang buong bundok ay umuugang mainam.

19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, (H)at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.

20 At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.

1 Pedro 2:4-10

Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y (A)itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,

Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay (B)natatayong (C)bahay na ukol sa espiritu, (D)upang maging pagkasaserdoteng banal, (E)upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, (F)na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.

Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,

(G)Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:
At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,

(H)Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;

At,

Batong katitisuran, (I)at bato na pangbuwal;

Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: (J)na dito rin naman sila itinalaga,

Datapuwa't kayo'y (K)isang lahing hirang, isang makaharing (L)pagkasaserdote, (M)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (N)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:

10 Na (O)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978