Book of Common Prayer
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
IKALIMANG AKLAT
Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.
107 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
(C)Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3 At (D)mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
4 Sila'y nagsilaboy (E)sa ilang, sa ulilang landas;
Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
5 Gutom at uhaw,
Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
6 (F)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
7 Pinatnubayan naman niya sila sa (G)matuwid na daan,
Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
8 (H)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
9 Sapagka't (I)kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa,
At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10 Ang gayong (J)tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan,
Na natatali sa dalamhati at pangaw;
11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios,
At hinamak ang (K)payo ng Kataastaasan:
12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap;
Sila'y nangabuwal, at (L)walang sumaklolo.
13 (M)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
14 (N)Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan,
At (O)pinatid ang kanilang mga tali.
15 (P)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16 Sapagka't (Q)kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso,
At pinutol ang mga halang na bakal.
17 (R)Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa (S)mga pintuan ng kamatayan,
19 (T)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20 (U)Sinugo niya ang kaniyang salita, at (V)pinagaling sila,
At (W)iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21 (X)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22 At (Y)mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23 (Z)Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan,
Na nangangalakal sa (AA)mga malawak na tubig;
24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon,
At ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25 Sapagka't siya'y naguutos, at (AB)nagpapaunos,
Na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman:
(AC)Ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at (AD)gigiraygiray na parang lasing,
At ang kanilang karunungan ay nawala.
28 (AE)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
29 (AF)Kaniyang pinahihimpil ang bagyo,
Na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30 Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay.
Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
31 (AG)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32 Ibunyi rin naman nila siya (AH)sa kapulungan ng bayan,
At purihin siya sa upuan ng mga matanda.
Kamatayan ni Miriam.
20 At (A)ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at (B)si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon.
Ang tubig ng Meriba.
2 At (C)walang tubig na mainom ang kapisanan; at (D)sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.
3 (E)At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay (F)nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon!
4 At (G)bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop?
5 At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.
6 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at (H)nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.
7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
8 (I)Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at (J)ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop.
9 At kinuha ni Moises ang tungkod sa (K)harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya.
10 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, (L)Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?
11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay (M)lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
12 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't (N)hindi kayo sumampalataya sa akin (O)upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.
13 (P)Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.
12 Kaya, (A)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (B)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—
13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (C)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.
14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (D)na siyang anyo niyaong darating.
15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.
16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.
17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (E)sa lahat ng mga tao sa (F)ikaaaring-ganap ng buhay.
19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
20 At bukod sa rito ay pumasok (G)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (H)nanaganang lubha ang biyaya:
21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (I)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (J)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.
29 At nang (A)sila'y magsialis sa Jerico, ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao.
30 At narito, ang (B)dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan, pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus, ay nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
31 At pinagwikaan sila ng karamihan, upang sila'y magsitahimik: datapuwa't sila'y lalong nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
32 At tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?
33 Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na mangadilat ang mga mata namin.
34 At si Jesus, sa pagkahabag, ay (C)hinipo ang kanilang mga mata, at pagdaka'y nagsitanggap sila ng kanilang paningin; at nagsisunod sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978