Book of Common Prayer
Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.
146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
2 Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3 (C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 (D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 (E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 (F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 (G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 (J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 (L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.
147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (O)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(P)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (Q)ay nakalulugod.
2 (R)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (S)natapon na Israel.
3 (T)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4 (U)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5 Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 (V)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 (W)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 (X)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (Y)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (Z)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(AA)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (AB)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (AC)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (AD)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(AE)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (AF)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.
111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2 Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3 Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4 Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
5 Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
6 Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
8 (H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
9 Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.
112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (L)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
2 (M)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
3 (N)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4 Sa matuwid ay (O)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(P)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
5 (Q)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
6 Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
7 Siya'y hindi matatakot (R)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (S)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
8 Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (T)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
9 Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (U)sungay ay matataas na may karangalan.
10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (V)mapaparam.
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.
113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
2 (W)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
3 (X)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
4 Ang Panginoon ay (Y)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (Z)sa itaas ng mga langit.
5 (AA)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
6 (AB)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7 (AC)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
8 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
9 (AD)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa liwanag, sa nieve, sa granizo, sa ulan, sa hielo, at sa leon.
38 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job (A)mula sa ipoipo, at nagsabi,
2 Sino ito na nagpapadilim ng payo.
Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
3 Bigkisan mo (B)ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake:
Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
4 Saan ka nandoon (C)nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
5 Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
6 Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
7 Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay (D)naghihiyawan sa kagalakan?
8 (E)O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,
Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;
9 Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,
At ang salimuot na (F)kadiliman na pinakabalot niyaon,
10 At aking (G)itinatag doon ang aking pasiya,
At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas:
At dito'y (H)titigil ang iyong mga palalong alon?
Nagsisi si Job ng kaniyang kasalanan.
42 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
2 (A)Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay,
At wala kang akala na mapipigil.
3 (B)Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?
Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa,
(C)Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
4 Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita;
Ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.
5 Narinig kita sa pakikinig ng pakinig;
Nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,
4 At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (A)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (B)Siya nawa; Aleluya.
5 At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,
(C)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.
6 At narinig ko ang (D)gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at (E)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi,
Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
7 Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (F)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (G)kaniyang asawa ay nahahanda na.
8 At (H)sa kaniya'y ipinagkaloob na (I)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.
9 At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, (J)Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, (K)Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.
10 At (L)ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, (M)Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid (N)na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't (O)ang patotoo ni Jesus ay siyang (P)espiritu ng hula.
11 At nakita kong bukas ang (Q)langit; at narito, ang isang (R)kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na (S)Tapat at (T)Totoo; (U)at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.
12 At ang (V)kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, (W)at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y (X)may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.
13 At siya'y nararamtan (Y)ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na (Z)Ang Verbo ng Dios.
14 At ang mga hukbong (AA)nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang (AB)linong maputi at dalisay.
15 At (AC)sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at (AD)kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan (AE)niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, (AF) Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.
29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (A)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
30 (B)Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.
31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, (C)dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (D)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (E)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito (F)ang Anak ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978