Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:97-120

MEM.

97 (A)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (B)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(C)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (D)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (E)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (F)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

NUN.

105 (G)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (H)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(I)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (J)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (K)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (L)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (M)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (N)hanggang sa wakas.

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (O)kublihan kong dako at (P)kalasag ko:
Ako'y umaasa (Q)sa iyong salita.
115 (R)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(S)At huwag mo akong hiyain (T)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (U)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(V)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (W)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

Mga Awit 81-82

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.

81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(A)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
Magsihihip kayo ng (B)pakakak (C)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
Kaniyang inilagay na pinakapatotoo (D)sa Jose,
(E)Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
(F)Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
(G)Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
Ikaw ay tumawag (H)sa kabagabagan, at iniligtas kita;
(I)Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
(J)Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
(K)Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 (L)Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
(M)Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At (N)hindi ako sinunod ng Israel.
12 (O)Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 (P)Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 (Q)Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
(R)At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.

Awit ni Asaph.

82 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At (S)magsisigalang sa mga pagkatao (T)ng masama? (Selah)
Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
(U)Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
(V)Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
(W)Aking sinabi, Kayo'y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Gayon ma'y mangamamatay kayong (X)parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
(Y)Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.

Mga Bilang 11:24-35

24 At si Moises ay lumabas, (A)at isinaysay sa bayan ang mga salita ng Panginoon: at siya'y nagpisan ng pitong pung lalake sa mga matanda sa bayan at kaniyang pinatayo sa palibot ng Tolda.

25 At ang (B)Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kaniya; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda: at nangyari, na nang sumakanila ang Espiritu, ay nanganghula, nguni't hindi na sila umulit.

Eldad at si Medad.

26 Nguni't naiwan ang dalawang lalake sa kampamento, na ang pangalan ng isa ay Eldad, at ang pangalan ng isa ay Medad: at ang Espiritu ay sumasakanila; at sila'y kabilang sa nangasulat, nguni't (C)hindi nagsilabas sa Tolda: at sila'y nanghula sa kampamento.

27 At tumakbo ang isang binata, at isinaysay kay Moises, at sinabi, Si Eldad at si Medad ay nanghuhula sa kampamento.

28 At si (D)Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, Panginoon kong Moises, (E)pagbawalan mo sila.

29 At sinabi ni Moises sa kaniya, Ikaw ba'y may paninibugho sa akin? (F)ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isakanila ng Panginoon ang kaniyang Espiritu!

30 At naparoon si Moises sa kampamento, siya at ang mga matanda sa Israel.

Ipinadala ang mga pugo na kasama ang salot.

31 (G)At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon, at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat, at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa.

32 At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi, at ng buong ikalawang araw, at nagsipanghuli ng mga pugo; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung (H)homer: at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento.

33 (I)Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.

34 At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Kibroth-hattaavah; sapagka't doon inilibing nila ang bayang sakim.

35 (J)Mula sa Kibroth-hattaavah ay naglakbay ang bayan na patungo sa Haseroth; at sila'y tumira sa Haseroth.

Roma 1:28-2:11

28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng (A)Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;

29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,

30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,

31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:

32 Na, (B)bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay (C)ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman (D)pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.

Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: (E)sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.

At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.

At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?

O hinahamak mo ang (F)mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at (G)pagtitiis (H)at pagpapahinuhod, (I)na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?

Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay (J)nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;

(K)Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa:

Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay (L)ang buhay na walang hanggan:

Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga (M)hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,

Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, (N)ng Judio (O)una-una, at gayon din ng Griego;

10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:

11 Sapagka't ang Dios (P)ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Mateo 18:1-9

18 Nang oras na (A)yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?

At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,

At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang (B)kayo'y magsipanumbalik, at (C)maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

At (D)sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:

Datapuwa't (E)sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat.

Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!

At (F)kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod (G)sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.

At kung ang mata mo ang makapagpapatisod (H)sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978