Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 80

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.

80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
(F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
(G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
(H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
Ikaw ay nagdala ng (I)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(J)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (K)sa ilog.
12 (L)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (M)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (N)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (O)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(P)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (Q)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.

Mga Awit 77

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.

77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
(A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
(D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
(F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.

Mga Awit 79

Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.

79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.
(G)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(H)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
(I)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
(J)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (K)dahil sa iyong pangalan.
10 (L)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (M)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (N)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (O)makapito (P)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (Q)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.

Mga Bilang 9:15-23

Ang ulap sa tabernakulo.

15 (A)At nang araw na ang tabernakulo ay itayo, ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo, sa makatuwid baga'y ang tabernakulo ng patotoo: (B)at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan.

16 Gayon namalagi: ang ulap ang tumakip doon, at ang anyong apoy sa gabi.

17 (C)At kailan pa man ang ulap ay napaitaas mula sa ibabaw ng Tolda ay naglakbay nga pagkatapos ang mga anak ni Israel: at sa dakong tigilan ng ulap ay doon humantong ang mga anak ni Israel.

18 Sa utos ng Panginoon ay nagsisipaglakbay ang mga anak ni Israel, at sa utos ng Panginoon ay humantong sila: kung gaano (D)kalaon ang itigil ng ulap sa ibabaw ng tabernakulo, ay siya nilang ipina-nanatili sa kampamento.

19 At pagka ang ulap ay tumigil sa ibabaw ng tabernakulo na maluwat, ay (E)iningatan ng mga anak ni Israel ang bilin ng Panginoon at hindi naglalakbay.

20 At kung minsan ay nananatiling ilang araw sa ibabaw ng tabernakulo ang ulap; ayon nga sa utos ng Panginoon ay tumitira sila sa mga tolda at ayon sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila.

21 At kung minsan ang ulap ay nananatili mula sa hapon hanggang sa kinaumagahan; at pagka ang ulap ay napaitaas sa kinaumagahan, ay naglakbay sila: maging araw maging gabi, na ang ulap ay paitaas, ay naglakbay sila.

22 Maging dalawang araw o isang buwan, o isang taon na nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, na manatili sa ibabaw niyaon, ay (F)tumitira ang mga anak ni Israel sa mga tolda at hindi naglakbay: datapuwa't pagtaas ay naglakbay sila.

23 Sa utos ng Panginoon ay humantong sila, at sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila; kanilang iningatan ang bilin ng Panginoon, sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Mga Bilang 10:29-36

29 At si Moises ay nagsabi kay Hobab na anak ni (A)Rehuel na Madianita, biyanan ni Moises: Kami ay naglalakbay sa dakong sinabi ng Panginoon, (B)Aking ibibigay sa inyo: sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti: (C)sapagka't ang Panginoon ay nagsalita ng mabuti tungkol sa Israel.

30 At sinabi niya sa kaniya, Ako'y hindi paroroon; kundi ako'y babalik sa aking sariling lupain, at sa aking kamaganakan.

31 At sinabi ni Moises, Huwag mo kaming iwan, ipinamamanhik ko sa iyo; sapagka't nalalaman mo kung paanong hahantong kami sa ilang, at ikaw ay maaari sa aming (D)pinakamata.

32 At mangyayari, na (E)kung ikaw ay sasama sa amin, oo, mangyayari, na anomang mabuting gagawin ng Panginoon sa amin, ay siya rin naming gagawin sa iyo.

33 At sila'y nagsisulong (F)mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at (G)ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan.

34 At (H)ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw, pagka sila'y sumulong mula sa kampamento.

Ang pagalis.

35 At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises, (I)Bumangon ka, Oh Panginoon, at mangalat ang mga kaaway mo, at magsitakas sa harap mo ang nangapopoot sa iyo.

36 At pagka inilapag ay kaniyang sinabi, Bumalik ka, Oh Panginoon sa mga laksang libolibong Israelita.

Roma 1:1-15

Si Pablo na alipin ni Jesucristo, (A)na tinawag na maging apostol, (B)ibinukod sa evangelio ng Dios,

Na kaniyang ipinangako nang una (C)sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,

Tungkol sa kaniyang Anak, (D)na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,

Na (E)ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan (F)ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,

Na sa pamamagitan niya'y (G)tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan;

Sa mga ito kayo naman, ay (H)tinawag kay Jesucristo:

Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: (I)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.

Kaunaunahan, ay (J)nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang (K)inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.

Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na (L)walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin,

10 At laging isinasamo ko, (M)kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo.

11 Sapagka't ninanasa kong makita kayo, upang ako'y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo'y mangagsitibay;

12 Sa makatuwid baga, upang ako't kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa't isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.

13 At hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na (N)madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa't hanggang ngayon ako'y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil.

14 Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman (O)sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.

15 Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.

Mateo 17:14-20

14 At (A)pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,

15 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y (B)himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.

16 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.

17 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at (C)taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.

18 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.

19 Nang magkagayo'y nagsilapit na (D)bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?

20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (E)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (F)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (G)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (H)(I)

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978