Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 66-67

Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.

66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
(C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
(D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(O)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
(P)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (Q)sa lahat ng mga bansa.
(R)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Isinibol (S)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (T)mangatatakot sa kaniya.

Mga Awit 19

Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

19 Ang (A)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(B)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
(C)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(D)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (E)patotoo ng Panginoon ay tunay, (F)na nagpapapantas sa hangal.
Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(G)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (H)na nagpapaliwanag ng mga mata.
Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (I)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(J)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(K)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (L)ng kaniyang mga kamalian?
(M)Paliwanagan mo ako (N)sa mga kubling kamalian.
13 (O)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(P)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (Q)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (R)manunubos.

Mga Awit 46

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.

46 Ang Dios ay (A)ating ampunan at kalakasan,
(B)Handang saklolo sa kabagabagan.
Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
(C)May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya (D)sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
(E)Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
(F)Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
(G)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
(H)Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.

Mga Bilang 14:26-45

Apat na pung taon na magiging gala.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

27 (A)Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin.

28 Sabihin mo sa kanila, (B)Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, tunay na (C)kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:

29 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong (D)lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,

30 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing (E)pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, (F)maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.

31 (G)Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na (H)inyong itinakuwil.

32 (I)Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito.

33 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na (J)apat na pung taon, at kanilang (K)tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang.

34 (L)Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, (M)sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong (N)tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan.

35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang (O)ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay.

36 (P)At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain,

37 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay (Q)nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon.

38 (R)Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buháy sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain.

Hinabol hanggang sa Horma.

39 At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at (S)ang bayan ay tumaghoy na mainam.

40 At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito (T)kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.

41 At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang (U)utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong?

42 (V)Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway.

43 Sapagka't nandoon ang mga (W)Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo.

44 (X)Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang (Y)kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento.

45 Nang (Z)magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa (AA)Horma.

Mga Gawa 15:1-12

15 At (A)may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa (B)mga kapatid, na sinasabi, (C)Maliban na kayo'y mangagtuli (D)ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.

At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa (E)mga matanda tungkol sa suliraning ito.

Sila nga, (F)palibhasa'y inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang (G)Fenicia at Samaria, (H)na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at sila'y nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid.

At nang sila'y magsidating sa Jerusalem, ay (I)tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, (J)at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila.

Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi, Kinakailangang sila'y tuliin, at sa kanila'y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises.

At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito.

At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila,

(K)Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.

At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo (L)sa kanila, (M)na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;

(N)At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.

10 Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios, (O)na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala?

11 Datapuwa't naniniwala tayo na tayo'y mangaliligtas (P)sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, na gaya rin naman nila.

12 At nagsitahimik ang buong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil (Q)sa pamamagitan nila.

Lucas 12:49-56

49 Ako'y naparito upang maglagay ng (A)apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na?

50 Datapuwa't ako'y may isang (B)bautismo upang ibautismo sa akin; at (C)gaano ang aking (D)kagipitan hanggang sa ito'y maganap?

51 Inaakala baga ninyo (E)na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:

52 Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.

53 Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at (F)ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.

54 At sinabi rin naman niya sa mga karamihan, (G)Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap, ay agad ninyong sinasabi, Uulan; at gayon ang nangyayari.

55 At kung humihihip ang hanging timugan, ay sinasabi ninyo, Iinit na maigi; at ito'y nangyayari.

56 Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978