Add parallel Print Page Options

Ang panganganak kay Isaac ay ipinangako.

15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara[a] ang magiging kaniyang pangalan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 17:15 Princesa.

19 At sinabi ng Dios, (A)Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

Read full chapter

10 At sinabi niya, (A)Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong (B)panahon ng taong darating; at (C)narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.

11 (D)Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae.

12 (E)At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, (F)Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng (G)panginoon ko?

13 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako?

14 (H)May anomang bagay kayang (I)napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake.

Read full chapter

Ipinanganak si Isaac.

21 (A)At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang (B)ayon sa kaniyang sinalita.

Read full chapter