Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 139:13-18

13 (A)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(B)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (C)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (D)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.

Genesis 33:1-17

Nagtagpo si Jacob at si Esau.

33 At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata (A)at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya'y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae.

At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna, at si Lea na kasama ng kaniyang mga anak na pinakapangalawa, at si Raquel at si Jose na pinakahuli.

At siya naman ay lumagpas sa unahan nila, (B)at yumukod sa lupa na makapito, hanggang sa nalapit sa kaniyang kapatid.

(C)At tumakbo si Esau na sinalubong siya, at niyakap siya (D)at niyapos siya sa leeg, at hinagkan siya: at nagiyakan,

At itiningin ni Esau ang mga mata niya, at nakita ang mga babae at ang mga bata, at sinabi, Sinosino itong mga kasama mo? At kaniyang sinabi, (E)Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod.

Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alilang babae, sila at ang kanilang mga anak, at nagsiyukod.

At lumapit din si Lea at ang kaniyang mga anak, at nagsiyukod: at pagkatapos ay nagsilapit si Jose at si Raquel, at nagsiyukod.

At kaniyang sinabi, (F)Anong palagay mo sa buong karamihang ito na nasumpungan ko? At kaniyang sinabi, (G)Nang makasundo ng biyaya sa paningin ng aking panginoon.

At sinabi ni Esau, Mayroon akong kasiya; kapatid ko, ariin mo ang iyo.

10 At sinabi sa kaniya ni Jacob, Hindi, ipinamamanhik ko sa iyo, na kung ngayo'y nakasundo ako ng biyaya sa iyong paningin, ay tanggapin mo nga ang aking kaloob sa aking kamay: yamang nakita ko ang iyong mukha, na gaya ng nakakakita ng mukha ng Dios, at ikaw ay nalugod sa akin.

11 Tanggapin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang (H)kaloob na dala sa iyo; sapagka't ipinagkaloob sa akin ng Dios, at mayroon ako ng lahat. (I)At ipinilit sa kaniya, at kaniyang tinanggap.

12 At kaniyang sinabi, Yumaon tayo at tayo'y lumakad, at ako'y mangunguna sa iyo.

13 At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso: at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan.

14 Magpauna ang aking panginoon sa kaniyang lingkod: at ako'y mamamatnubay na dahandahan, ayon sa hakbang ng mga hayop na nasa aking unahan, at ng hakbang ng mga bata, hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa (J)Seir.

15 At sinabi ni Esau, Pahintulutan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa mga taong kasama ko. At kaniyang sinabi, Ano pang dahil nito? (K)Makasundo nawa ako ng biyaya sa paningin ng aking panginoon.

16 Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir.

17 At si Jacob ay naglakbay sa (L)Succoth, at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya, at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop: kaya't tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth.

Galacia 4:21-5:1

21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?

22 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, (A)ang isa'y sa aliping babae, at (B)ang isa'y sa babaing malaya.

23 Gayon man (C)ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't (D)ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.

24 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga (E)anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.

25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa (F)Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.

26 Nguni't ang (G)Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.

27 Sapagka't nasusulat,

(H)Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak;
Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak:
Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.

28 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay (I)mga anak sa pangako.

29 Datapuwa't kung papaanong yaong (J)ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.

30 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? (K)Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.

31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.

Sa (L)kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli (M)sa pamatok ng pagkaalipin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978