Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
NUN.
105 (A)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (B)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (D)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (E)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (F)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (G)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (H)hanggang sa wakas.
Ang awit ni Moises.
32 Makinig kayo, (A)mga langit, at ako'y magsasalita,
At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
2 Ang aking aral ay (B)papatak na parang ulan;
Ang aking salita ay bababa na parang hamog;
(C)Gaya ng ambon sa malambot na damo,
At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:
3 Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon:
(D)Dakilain ninyo ang ating Dios.
4 Siya (E)ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal;
Sapagka't lahat (F)niyang daan ay kahatulan:
(G)Isang Dios na tapat at walang kasamaan,
Matuwid at banal siya.
5 Sila'y nagpakasamá, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan;
Mga tampalasan at likong (H)lahi.
6 Ganyan ba ninyo (I)ginaganti ang Panginoon,
O mangmang na bayan at hindi pantas?
Hindi ba siya ang (J)iyong ama na tumangkilik (K)sa iyo?
(L)Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.
7 Alalahanin mo ang mga araw ng una,
Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi:
(M)Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo;
Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.
8 (N)Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana,
Nang kaniyang (O)ihiwalay ang mga anak ng tao,
Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan
Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
9 Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan;
Si Jacob ang bahaging mana niya.
10 Kaniyang nasumpungan (P)sa isang ilang sa lupain,
At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap,
(Q)Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
14 (A)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.
15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (B)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,
16 (C)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (D)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (E)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (F)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,
19 Sa bisa ng mga tanda (G)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (H)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
21 Kundi, gaya ng nasusulat,
(I)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978