Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
34 At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham.
35 (A)At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.
36 At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay (B)nagkaanak ng (C)lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari.
37 At pinapanumpa (D)ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan:
38 Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
42 At dumating ako ng araw na ito, sa bukal, at aking sinabi, Oh (A)Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, kung ngayo'y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko:
43 (B)Narito, nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig; at mangyari, na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan, Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga;
44 At siya'y magsasabi sa akin, Uminom ka, at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo: ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon.
45 (C)At bago ko (D)nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo.
46 At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo,
47 At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: (E)at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay.
48 (F)At aking iniyukod ang aking ulo, at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang (G)anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kaniyang anak.
49 At ngayon, kung inyong (H)mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.
58 At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako.
59 At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid, (A)at ang kaniyang yaya, at ang alilang katiwala ni Abraham, at ang kaniyang mga tao.
60 At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, (B)maging ina ka nawa ng yutayuta, (C)at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila.
61 At tumindig si Rebeca, at ang kaniyang mga abay, at nangagsisakay sa mga kamelyo, at nangagsisunod sa lalake; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon.
62 At si Isaac ay nanggaling sa daang (D)Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan.
63 At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo.
64 Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.
65 At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon: at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya'y nagtakip.
66 At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa.
Ang kanilang kasal.
67 At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at (E)naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(A)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (B)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (C)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (D)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(E)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta (A)ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(B)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng (C)batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (D)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(E)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
15 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: (A)sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
16 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.
17 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
18 Sapagka't nalalaman ko na (B)sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala.
19 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.
20 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin.
22 Sapagka't (C)ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios (D)ayon sa pagkataong loob:
23 Datapuwa't (E)nakikita ko ang ibang kautusan sa (F)aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.
24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa (G)katawan nitong kamatayan?
25 Nagpapasalamat ako sa Dios (H)sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.
16 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.
17 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.
18 Sapagka't naparito si Juan na (A)hindi kumakain o umiinom (B)man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.
19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang (C)kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! (D)At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.
25 Nang panahong yaon ay (A)sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito (B)sa mga pantas at matatalino, at (C)ipinahayag mo sa mga sanggol:
26 Oo nga, Ama, sapagka't gayon ang nakalugod sa iyong paningin.
27 (D)Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, (E)kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.
28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.
29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: (F)at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
30 Sapagka't (G)malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978